Siya Pala ang Grade 8 Student na Kinilala Bilang May Pinakamagandang Sulat Kamay Sa Buong Mundo!

Bihira lamang ang mga taong kinikilala sa buong mundo dahil sa taglay nitong kakaibang talento sa pagsulat. Lahat tayo ay marunong magsulat, subalit iba-iba lamang ang ating nakagawiang estilo sa pagsusulat.

Mayroong mga may magagandang penmanship kung saan klaro at mabilis mabasa at maintindihan ang pagsusulat kamay nito. Mayroon naman na ang iba ay nahihirapan magbasa ng mga sulat kamay dahil hindi ito gaanong isinulat ng maayos.

You May Also Read:

Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.

Pulis,Umani ng Papuri sa Kanyang Ginawa sa Hiling ng Bata na Mayakap ang Kanyang Ama na nasa Kulungan.

Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.

Mahalaga ang pagsusulat, ito ang pangunahing tinuturo ng ating mga guro sa elementarya, ang pagbabasa at pagsusulat. Lahat ng mga katibayan sa ating buhay ay isinusulat bilang patotoo.

Sa tulong ng pagsusulat, maaari din nating mapanatili ang mga kasaysayan at kwento ng isang pangyayari o bagay na siyang makakatulong sa iba para mas makilala pa ito.

Sa ngayon kasi ay wala ng masiyadong interesado sa pagpapaunlad ng pagsusulat dahil sa nagkalat na mga printed materials at mabilisang paglago ng teknolohiya.

Samantala, isang Grade 8 student mula sa bansang Nepal ang kinilala bilang pinakamagandang magsulat kamay sa buong mundo.



Nakilala ang nasabing Grade 8 student sa pangalan na Prakriti Malla. Siya ngayon ay tinagurian bilang may pinakamagandang sulat kamay sa buong mundo.

Sa ilang mga larawan na ibinahagi sa social media, makikita na talaga nga namang pulido at maganda ang kaniyang sulat kamay. Sa katunayan nga nyan ay aakalain mo na ito ay computerized sa unang tingin pa lang.

Sa panahon natin ngayon, marami ng mga nagsisilabasan na makabagong teknolohiya. Malimit na kasi ngayon ang gumagawa ng mga dokumento gamit ang pagsusulat dahil kadalsan ay ginagamit na ng mga tao ang printed na dokumento.

Ngunit, ngayon ay muling nagiging tanyag at kilala ang pagsusulat gamit ang kamay dahil na din kay Prakriti Malla. Marami ding mga tao ang humahanga ngayonsa angking taento sa pagsusulat ni Prakriti. Sa katunayan nga nyan ay sikat na sikat na siya sa bansang Nepal dahil siya ay napabilang lang naman sa may pinakamagandang sulat kamay sa buong mundo. Bukod pa diyan, marami din ang namamangha sa ganda at pulido ng kaniyang sulat kamay.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...