Nakakaiyak ang Sinapit ng Matandang Mag-asawa na Giniba ang Tahanan at Ninakawan pa Sila ng Pera at Kagamitan. Kanilang Panawagan na sana ay Matulungan.

Isang araw ng kumuha raw ng Police Clearance itong si Xian Bermudez at nag-aantay sa gilid ng Munisipyo, kanyang nasilayan ang dalawang matanda na kinilala kay Tatay Herardo 74 years old at Nanay Jovenciana 71 years old. Habang kumakain ng tanghalian ang dalawa ay tinawag umano nito si Xian at inalok na kumain.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

 

Tatay: toy kain tayo (with his beautiful smile)

Me: sige lang po tay kain lang po kayo, salamat po

Ani tatay, mahirap raw ang maging pulubi dahil tira-tira lang daw ang kanilang kinakain. Doon na na-curious si Xian kung ano nga ba ang nangyari sa dalawang matanda.

Kwento ng matanda, mayroon umano silang barong barong noon ngunit ipinagiba raw ito at lahat ng kanilang gamit ay ninakaw wala rin umano silang mga anak na mahihingan ng tulong.

“Meron daw pong baul si tatay na matagal na nyang tinatago, andun daw po lahat ng mga mahahalagang gamit niya. Pati daw po pinakatago tago po niyang relo at 5,000 pesos ninakaw din. Lahat daw po ng mga gamit nila ninakaw pati bike po niya, isang sakong bigas, mga de lata na tinitipid na nga daw po nilang ulamin ninakaw pa,” kwento ni Xian.

Idinulog narin umano nila ang kanilang sitwasyon sa barangay ngunit hanggang ngayon ay wala parin natatanggap na tulong kaya naman hiling ng matanda na sana matulungan sila sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo.

“Tay sge po ako po bahala hihingi po tayo ng tulong sa mga facebook friends ko at facebook groups para maiparating po kay sir raffy ang kwento nyo. Magme-message dn po ako sa facebook nya bka sakali mapansin po nya, wag po kayo mag-alala tay gagawan ko po ng paraan pangako po yan,” sabi ng netizen.

Hindi na napigilan ng matanda na maluha”napakabait mo naman toy salamat hah ang mga kagaya mo ang magiging successful dahil pagpapalain ka ng panginoon.”

Nagbigay rin si Xian ng tulong sa matanda sa pagbibigay nito ng makakain at tubig. “gripo sa loob ng cr sa may munisipyo” ang iniinom nila.

Ayon sa Facebook post ni Xian “Kaya mga FACEBOOK FRIENDS please po tulungan natin si tatay at nanay. Help me spread this post hanggang sa makarating po kay sir raffy kasi nakakaawa po talaga sila nakakadurog ng puso yung pinagdaanan nilang hirap. Pakishare po ng post sa timeline niyo at pakipublic po. Pakishare po sa lahat ng mga facebook groups po ninyo.

Tulungan niyo po ako na tuparin pangako ko kila tatay at nanay na iparating ang kwento nila kay sir raffy tulfo para mabigyan po sila ng tulong upang makapagsimulang muli.”

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

 

Loading...