Lalaki,Balewala ang P4.1 Milyon na Gastos Upang Maging Ganap na “Dragon Lady” at sa Dahilang Ito.

Ayon nga sa kasabihan, “Beauty is in the eye of the beholder” bawat tao ay may kanya-kanyang unique na itsura, marahil akala mo ay pangit ka pero sa pananaw ng iba, ikaw ay napakaganda, lalo na kapag may busilak kang puso sa iyong kapwa.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Sa panahon ngayon, ay hindi na imposible na makuha ang gusto mong itsura basta may sapat kang pera. Marami sa ibang bansa ang mayroong mga high-tech na teknolohiya na ginagamit upang ma perfect ang lahat ng iyong nais. Sa pamamagitan ng cosmetic surgery at reassignment procedures, pwede mo ng baguhin ang iyong mukha.

Kadalasan ay gusto ng taong gumanda o gumwapo, kung kaya’t nagpapa cosmetic surgery sila kahit na may kamahalan ito. Subalit, tila may mga taong kakaiba naman ang trip sa kanilang mukha katulad ni i Tiamat Legion Medusa na dating isang lalaki na sumailalim sa maraming cosmetic procedures hindi para maging babae, kundi para maging dragon! Kaya naman nag-viral ang kanyang kwento sa social media.

Ayon sa report ng Metro UK, nais ni Tiamat na maging ganap na ‘Dragon Lady.’ Upang ma-achieve ito, gumastos siya ng mahigit sa £61,000 sa iba’t-ibang procedures. Kasama na dito ang pagpapatanggal ng kanyang tenga, pagpapa-tattoo sa buong katawan, at iba pa.

Sa kabila ng kanyang kakaibang anyo, layunin raw ni Tiamat na maging positibong representative ng mga tao na sumasailalim sa body modifications. Nanawagan rin ito sa publiko na wag basta basta manghusga ng tao base lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan.

“People think that modified people, especially those who go to great extremes to look like something in a sci-fi film, are losers and dumb as dirt. I want people to know that modified people are just as intelligent, kind, loving, and good as anyone else,” pahayag ni Tiamat, na ipinanganak bilang si Richard Hernandez at dating VP sa isang financial institution.

Taong 1997 nang magsimula siyang sumailalim sa mga procedures, at marami pa daw siyang nais na ipaayos sa kanyang katawan. Kabilang na dito ang tuluyang pagtanggal sa kanyang ari upang makamit niya ang goal niya bilang ‘Dragon Lady.’

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...