Lalaki, Binilhan ng Damit at Pinasuotan ang Isang Palaboy na Pinagtatawan dahil sa Walang Sapl0t.

Wala sa dami ng yaman, estado ng buhay ang taong gustong magbigay ng tulong sa kaniyang kapwa. Marami tayong mga nababasang magagandang nagawa ng iilan nating kababayan at ito ay nagsilbing inspirasyon din sa iilan na kanila ngang pinamarisan.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Marami tayong mga nakakasalubong na mga taong palaboy sa lansangan, at ang iba nga sa atin ay pilit silang iniiwasan dahil sa kanilang kadungisan, pero napapuri ang mga netizen sa ginawa ng isang lalaki sa kanyang nakitang palaboy sa lansangan.

Nakita ng lalaki na halos walang saplot sa katawan ang taong palaboy kung kaya’t kanya itong binihisan.

Minsan lang tayo makakita ng ganitong tagpo kung kaya’t marami ang napahanga sa ginawa ng lalake.

Ang larawan ay ibinahagi ni LJ Adop, ipinost niya sa social media ang litrato dahil ipinagmamalaki niya ang pagiging mabait at matulungin ng kanyang kapares.

Ang lalaki ay kinilalang si Wilfredo Aquino. Kwento ni LJ, paalis sila ng makita ang palaboy na mentally challenged.


Pinagtatawanan umano ito ng maraming dumadaan na nakakita. Ngunit imbes na huwag na lang pansinin ay kinausap pa siya ng kanyang kapares kung may mabibilhang ukay-ukay na malapit.

Saad ng lalaki na bibili sila ng damit para sa palaboy dahil naaawa ito dahil pinagtatawanan.

Mabuti na lamang daw may malapit na mabilihan at nakabili agad sila ng ukay-ukay. Sa mga larawan ay makikita rin na pumipili sila ng damit.

Makikita rin sa mga larawan ang pagpapasuot ng damit ng lalaki sa palaboy. Tinulungan niyang maisuot ang kanilang nabiling damit upang hindi na ito pagtawanan ng dumaraan.

“*Kanina habang paalis kami Me ; posh my nakita akong lalaki naka hub4d as in walang damit.*Pag balik namen Me; posh ayan sya oh . Posh ; wait posh . Bilhan nten damit san merun bilihan kahit ukay lang . Nakakaawa naman pinag tatawanan .*Buti nlang may malapit na ukay store .Thankyou Posh nakapabait mo talaga Wilfredo Aquino.”

Napabilib naman ang mga netizen sa pagmamalasakit ng lalaki sa palaboy. Hindi nahiya at nandiring tumulong sa isang palaboy.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...