Ito Pala ang Dahilan ni Lucy Torres Gomez Kung Bakit Itinigil na niya ang Pagkain ng Manok.

Bawat tao ay unique, kung kaya’t hindi natin pwede husgahan ang kanilang mga gusto at hindi batay lamang sa ating pansariling akusasyon. Tayo ay may iba’t-ibang gusto at paniniwala na minsan ay nakaka apekto sa paraan ng ating pamumuhay, katulad ng kinagisnang buhay, kultura at relihiyon.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.

Kilalanin Ang Mag-Asawang Nagsimula sa Php100 na Puhunan Ngayon Umasenso At Nasa Halos 1,500,000 ang Kita kada Buwan.

Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.

May mga relihiyon na maraming bawal pati sa kanilang mga pagkain, kaya’t kung ano man ang kanilang paniniwala ay kailangang e respeto ng bawat isa sa atin.

Kamakailan ay naging laman ng usap-usapan sa social media ang asawa ng sikat na aktor na si Richard Gomez na ngayon ay si Congresswoman Lucy Torres Gomez.

Naging usap-usapan ang Congresswoman dahil sa kanyang pagbabahagi ng mga common meat na hindi daw niya kinakain.

Noong June 21, 2021 ay nagkaroon ng Zoom virtual meet ang dating aktres sa Philippine Entertainment Portal. Sa kanyang interview, ibinahagi rin ni Lucy ang kanyang personal preference pagdating sa pagkain. Hindi raw siya pihikan pagdating sa pagkain, ngunit may iilang pagkain siyang hindi kinakain, at isa na dito ay ang manok.

Ibinahagi ng congresswoman na noong kabataan niya ay mayroon silang alagang kambing. Kaya naman hanggang sa lumaki siya ay hindi na siya kumakain nito: “There are things I don’t eat talaga like kambing. Kasi we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing.”

Bukod pa dito, ibinahagi rin ni Lucy ang dahilan kung bakit hindi na siya kumakain ng manok ngayon. Ayon kay Lucy, may personal sentiments siya pagdating sa mga manok.” And then kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken,” pahayag nito sa kanyang interview.


Sa Instagram profile ni Lucy ay makikita rin ang kanyang pagmamahal sa mga hayop. Lagi rin niyang ibinibida ang mga alagang manok nila sa Ormoc City ng kanyang asawang si Richard Gomez. At dahil sa malapit ang loob niya sa kanilang mga alaga, binansagan niya itong “Stars” ng kanilang tahanan.

Kayo po ba ay mayroon ding hindi nagustuhang kainin?

You May Also Read:

Isang Kapitbahay ang Humingi ng Tulong para sa Matandang Lalaki na Nakatira sa parang Tangkal ng Baboy.

 

Loading...