Ina ni Robin Padilla,Umiiyak na Tumawag sa Kanya dahil daw sa Ginawa ng Asawang si Mariel Rodriguez-Padilla.

Sa buhay may asawa kahit pa man sabihin nating may sarili na kayong pamilya, di pa rin maalis-alis ang koneksyon sa mga magulang natin, dahil kahit gaano na tayo ka tanda, iba pa rin kapag mayroong magulang na matatakbuhan.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Kilala ang mag-asawang Robin at Mariel dahil parehong sikat na artista, at kamakailan nga ay naging laman sila ng social media dahil sa iba’t-ibang pasaring.


At mukhang di nga nawawala sa social media ang kanilang buhay na dalawa dahil naging viral ulit ito kung saan nasangkot naman ang Ina ni Robin Padilla na si Eva Cariño.

Paglalahad ni Robin sa kanyang instagram na tumawag umano ang kanyang ina sa kanya at tila ito ay umiiyak.

Tumawag pala ito upang sabihing mahal na mahal niya ang asawa nitong si Mariel Rodriguez,“Tinawagan ako ng ermats ko kahapon ng tanghali at siya’y umiiyak. Nabigla ako at ni-nerbyos pero wala naman pala emergency kung ‘di gusto daw niya malaman ko na love na love daw niya ang asawa ko,” pahayag ni Robin.

“Kasi noong pumunta sila sa birthday party ng aking auntie Letty inabutan daw si ermats ng pag-ihi pero naurungan daw siya kahit sasabog na ang kanyang pantog dahil parang marumi na ang toilet sa dami ng bisita na gumamit nito pero kagyat daw siyang sinamahan ni Mariel sa CR at nilinis ang CR pati ang toilet bowl na nilagyan ng tissue ang bawat inches ng uupuan niya,” saad pa nito.

Sa huli ay pinuri at pinasalamatan ni Robin ang kanyang misis.

Maraming salamat sa iyo, @marieltpadilla, Ang iyong kagandahan ay nagmumula sa iyong puso bago sa iyong panlabas na anyo.”

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

 

Loading...