Dalawang Babaeng Nangarap ng Glass Skin, Nauwi sa Pamamaga at Pagkasunog ng Mukha Dahil sa Ginamit na SET na Pampaganda.

Sino nga ba naman ang hindi nangangarap na magkaroon ng isang magandang mukha? Kaya ngayon dala na rin ng impluwensiya ng social media, dahil sa maraming mga nagpopost ng kanilang after at before na itsura sa pagamit ng mga sabon at set na pampaganda, may mga na intriga rin at gustong ma achieve din ito.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Maraming mga nagsilabasan na iba’t-ibang brand ng pampaganda sa abot kayang halaga na karamihan nga ay mabibili sa pamamagitan ng online selling.

Dahil sa mga magagandang resulta na kanilang pinopost, marami ang nagkagustong magtry din nito, at isa na nga ang dalagang ito na gumamit ng nasabing produkto.


Ayon sa post ng KMJS, may dalawang babae na nagreklamo dahil sa malalang resulta na kanilang nakuha ng ginamit nila ang sabong ito. Makikita sa larawan na parang nasunog nga ang mukha ng dalaga.

Ayon kay Berna, nahikayat umano siya dahil nakita niya na nag-glow up ang mga gumamit nito at kuminis ang kanilang mga mukha.

Ngunit noong ginamit na niya ang produkto ay mahapdi umano ito sa balat. Ang akala lang niya ay normal lang ito ngunit lumipas ang ilang araw ay nagsusugat na ang kanyang mukha.

“Pero nu’ng ginamit ko siya, nahapdian agad ako. Tapos parang ang kati-kati niya!Sobrang tight ng feeling ng mukha ko, pati sa leeg ko. Nu’ng una, sabi nila, normal lang ‘yung parang nag-i-sting sa mukha,” saad ni Berna.

“Pero pagkatapos ng ilang araw, parang kumapal siya tapos ang init nu’ng feeling!Nagsugat-sugat na talaga siya! Parang nasunog ng plantsa!” dagdag pa niya.

Kwento naman ni Amy, nahikayat rin siyang gumamit ng pampaganda dahil nais niyang magkaroon ng kutis-Koreana.

Aniya, nakakataas umano ng self-esteem kapag kuminis at mamula-mula ang kutis.

Gusto ko lang mag-glow up na parang sa mga Korean.‘Yung pinkish na skin. Kaya naisip kong gumamit nu’ng set na pampaganda. Para tumaas din po ‘yung self-esteem ko.”

Ngunit hindi umano niya inakala na masisira pa ang kanyang mukha sa paggamit ng pampaganda.

“Nu’ng unang gamit ko sa kanya, may konting hapdi. Tapos humapdi na nang humapdi ‘yung mukha ko! Sobrang init na ng feeling tapos ang kati niya!Hanggang sa namaga ‘yung mukha ko. Nangitim at nagda-dry at may namumuo nang balat sa mukha ko!” saad ni Amy.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...