Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Tayong mga Pinoy ay maparaan ika nga, mabilis tayong makatayo sa ano mang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Lahat ng pwedeng pagkakitaan ay ating ginagawa upang may pantustos tayo sa ating tahanan.

You May Also Read:

Pinay Nurse, Pinamanahan ng P2 Bilyon ng Kanyang Mayamang Amo,Mamahaling Kotse at Ari-arian.

Pulis,Umani ng Papuri sa Kanyang Ginawa sa Hiling ng Bata na Mayakap ang Kanyang Ama na nasa Kulungan.

Siya pala ang Nanay Ni Angel Locsin Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media.

Sa panahon ngayon na lubhang napakahirap makakita ng trabaho, marami ang na-eengage sa pagtitinda at paglalako para lamang magkaroon ng kita mula sa malinis na paraan.

Isa na sa mga ito ay ang pagtitinda sa mga lugar na kung saan ay dinarayo ng mga tao, katulad ng mga mani, barbeque, balut at kung ano-ano pa.



Subalit, nagtrending kamakailan ang isang pangyayari na kinabigla ng mga naka saksi, ito ay patungkol sa balut vendor kung saan nagkalat ang kaniyang paninda matapos na kumpiskahin ang kaniyang kariton.

Naganap daw ang pangyayaring ito sa Colon Street sa Cebu City.

Dahil nga ipinatupad noon ang clearing operation sa bawat kalsada at kalye, dumating ang mga awtoridad at sinimulang kυmριskαhιn ang kariton na nakakalat umano sa highway.

Ayon sa netizen na nagbahagi nito sa social media, naiintindihan naman daw niya na trabaho lamang ng mga awtoridad ang ginawang ραgιιmρσυnd ng mga street vendors.

Subalit, nalungkot daw siya nang makita niyang pinupulot ng tindero ang nagkalat niyang mga balut na siyang binibenta niya.

Base sa caption niya sa kaniyang post, sana raw ay hindi na lang umabot sa ganoon ang nangyari.

Maaari naman daw kasing daanin nila sa maayos na usapan at hindi na raw kailangan itapon pa ang iba’t ibang paninda sa kalsada.

Nasaksihan din daw niya kung paano trinato ng mga awtoridad ang mga street vendors sa nasabing kaganapan.

Sana man lang daw ay nag-usap na lamang sila ng mabuti at maayos na kinumpiska ang mga kariton.

Hinaing pa ng nasabing netizen, marangal daw na naghahanap-buhay ang naturang balut vendor.

Alam naman daw nila na huhulihin sila ng mga awtoridad subalit kailangan din naman daw nilang magtinda upang may makain at mabuhay sila.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...