Amang Naputulan ng Kamay, Ngunit Di Naputulan ng Pag-asa ang Patuloy na Nagsusumikap Maghanap-Buhay Para sa Pamilya.

Health is wealth, yan ang palagi nating naririnig na talaga namang may kabuluhang kasabihan. Kahit gaano man karami ang pera ng isang tao, kapag dumating ang matinding sakit sa kanyang katawan, mauubos lang din ang kanyang kayamanan at ang malala pa ay walang kasiguraduhang gagaling ka.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.


Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Kaya malaking biyaya na sa isang pamilya na may malusog na pangangatawan at malayo sa sakit. Ito ay utang natin sa ating mga magulang na itinataguyod ang lahat ng ating pangangailangan.

Isang viral video na kapupulutan natin ng aral ang ngayon ay usap-usapan sa social media. Isang dakilang ama na nagsusumikap sa kabila ng kanyang kapansanan upang ,maitaguyod ang kanyang pamilya.

Ang ama na ito ay kinilalang si Tatay Noel Perez. Siya ay patuloy na kumakayod sa buhay bilang isang fishball vendor sa kabila ng kawalan niya ng kamay. Wala man siyang kakayahang hawakan ang mga bagay na madali lang nating nahahawakan ay kayang-kaya naman niyang dumiskarte at magtrabaho.

Hindi din kayang tiisin ni Tatay Noel na magkulang sa kanyang pamilya kaya naman nagsusumikap siya sa pagtitinda ng fishball. Tinatawag si Tatay Noel bilang “Mang Weng” ng kanyang mga suki. Nag-viral sa social media ang kalagayan ni Tatay Noel kaya naman marami ang lubos na humahanga sa kanya.

Naputulan ng kamay si Tatay Noel taong 1983 nang makuryënte siya sa dating pinapasukang construction site. Malungkot man ang nangyari kay Tatay Noel ay hindi niya hinayaan na maputol din ang kanyang pag-asa.

Nagbunga ang kanyang pagsusumikap at napagtapos niya ang kanyang dalawang anak. Kasalukuyan pa rin siyang nagtitinda ng fishball para matustusan ang pagpapagam0t ng kanyang misis. Mahiråp man ay hindi kailangang sumuko ni Tatay Noel bagkus ay dapat mas nagiging matatag siya para sa kanyang pamilya.

You May Also Read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

 

Loading...