83-anyos na Lola, Buwis-buhay sa Pag-Akyat sa Kawayan Bilang Pangkabuhayan.

Kinabiliban at kinaawaan ang isang 83-anyos na lola sa Miag-Ao, Iloilo. Sa kaniya kasing edad, umaakyat pa rin ng bundok at maging ng puno ng kawayan si Lola Gloria para may magawa siyang basket na kaniyang ikinabubuhay.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” , sinubaybayan ang buwis-buhay na gawain ni Lola Gloria na nagsisimula sa paghahanda niya ng babauning pananghalian na isang isda at kanin sa pag-akyat niya sa bundok.


Isang oras na lakaran ang kailangan niyang gawin sa pag-akyat sa bundok at pagtawid sa sapa bago marating ang lugar na kinaroroonan ng mga kawayan.

At nang marating na ang lugar, aakyatin naman niya ang puno ng kawayan na kung minsan ay umaabot sa 30 talampakan ang taas.

Kasabay nang mahigpit na kapit sa kawayan, tatagain ni Lola Gloria ang bagong usbong na kawayan na kakailangan niya sa paggawa ng basket.

Isang maling kilos, maaaring mahulog mula sa puno ng kawayan si Lola Gloria.

Pero hindi nagtatapos sa pagputol ng kawayan ang hirap na kailangang gawin ni Lola Gloria. Dahil kailangan din niyang bitbitin at iuwi sa kaniyang kubo ang pinutol na kawayan na tinatayang nasa anim na kilo ang bigat.

At pagkauwi, hihimayin pa niya ang kawayan upang gawing materyales na gagamitin niya sa paggawa ng basket, na kailangan niyang maibenta sa palengke kinabukasan.

Ayon kay Lola Gloria, 10-taong-gulang pa lang ay natutunan na niyang magputol ng kawayan.

Nasa 50 taon nang biyuda ang matanda. Nabiyayaan man ng tatlong mga anak, may kanya-kanya na itong pamilya. Tanging ang 18-anyos niyang apo ang kanyang kasa-kasama.


Subalit hindi naman siya nito basta matulungan dahil madalas pa rin itong sumpungin ng hika. Maging ang mga kapitbahay ni Lola Gloria ay labis na nag-aalala sa buwis-bu’hay na pag-akyat niya ng puno.

Naitampok ang kuwento ni Lola Gloria sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong July 5.

At dahil sa KMJS, naipa-check up si Lola Gloria na nakamamanghang normal pa rin ang heart rate sa kabila ng kanyang edad. Nabisita na rin ito ng MSWD ng kanilang lugar na nagpaabot pa ng bigas at makakain.

Loading...