Komedyanteng si Jobert Austria,Naging Emosyonal ng sa Wakas Matapos ang 50 yrs Natagpuan ang Tunay na Ina!

Isang kilalang magaling na komedyante si Joebert Austria. Lingid sa ating kaalaman na sa kabila ng kanilang masayahing mukha ay nakakubli ang mga malulungkot na parti ng kanilang buhay.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Inabot ng 50 years bago pala nahanap at nagkita ang komedyante at ang kanyang tunay na Ina.“Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang nanay ko, ang totoong nanay ko. Mayakap, mahalikan, matanong yung mga bagay na gusto kong tanungin mula nung bata pa ako hanggang ngayon na tumanda na ako,”

“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Medyo kinakabahan ako. Medyo masaya ako. Medyo may tampo pa rin ako, di ba, kasi marami akong tanong.

But I thank God because this is the day I am asking for. He has already given it to me, ” saad niya sa kanyang tunay na nararamdaman.

“Isipin mo, 50 years old na ako. Ilang taon din akong nagtampo doon, eh. Hindi n’yo pala malalampasan yung nakaraan n’yo.

“Hindi kayo makaka-move on hangga’t hindi n’yo naaayos yung relationship n’yo kahit kanino lalo na yung mabibigat sa buhay n’yo. Maaapektuhan talaga yung future n’yo,”

Ayon kay Joebert, nalaman  niya kung saan ang tunay niyang  ina ng may nag mensahe sa kanyang FB account, isang Jeremy Minorca na nagsabi na ang kanyang ina daw ay hinahanap siya sa San Jose Del Monte sa Bulacan.

“Kamukha ko din, eh. Lagyan mo lang ako ng wig na kulot tsaka salamin, nanay ko na ako,” sabi niya ng makita ang Ina.

Si Nanay Amanda ay nagbahagi rin ng kanyang nararamdaman para sa anak  niyang si Joebert.

“Ang tagal ko siyang hindi nakita. Biruin mo, 50 years siguro. Tagal na kasi bagong panganak pa lang yon binigay na siya ng nanay ko don sa nag-ampon,” sabi nito.

Ang mag-ina ay umiyak ng magkita at ng ma ipaliwanag ni Nanay Amanda ang matinding hirap niya noon kung kaya’t nakuha niyang ipa ampon si Joebert.

“Salamat Nay, kasi kung hindi nangyari ‘to hindi ako naging artista. Basta mag-iingat ka lagi. Dadalaw ako doon kapag nakaluwag-luwag na bago ako pumunta ng Canada.

“Ang importante, nagkita tayo. Hindi aksidente ‘to, nagkita tayo. Para kung saan man tayo mapunta, nagkita tayo. Nagkapatawaran tayo.

“Pinapatawad na kita kahit na hindi kita niyakap nu’ng mga panahong mag-isa lang ako. Ang hirap-hirap kaya nu’ng bata pa ako. Minsan umiiyak ako, hindi ko alam. Iba yung pakiramdam ng totoong nanay, di ba?”

“Sana humaba pa ang buhay mo. Sana makilala mo ang Diyos. At sana maging malakas ka pa. Sana malaman mo na pinatawad na kita doon sa mga dating nangyari sa atin nu’ng ako ay binigay mo. Ngayon, okay na. Eto na ako. Napagdaanan na natin lahat ng kailangan nating pagdaanan.

“Mag-aasawa na ako. Nagpapasalamat ako dahil bago ako pumunta sa Canada ay nagkita tayo. Bayaan mo. Kapag nandu’n na ako, palagi kitang kukumustahin,”

 

You may also read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.

Loading...