Isang Ginang ang Laging Nawawalan ng Pera, Nabigla ito sa Nalaman ng Sinundan niya ang Daga.

Di maiiwasan na sa iisang bahay ay mawala minsan ang tinatago nating pera, wala naman tayong mapagbintangan na iba lalo na kapag wala namang pumapasok na ibang tao sa bahay. Minsan ay naging malaking palaisipan ito at iniisip nalang na baka pinaglalaruan lamang tayo ng mga kakaibang nilalang.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Ngunit isang pangyayari mula sa netizen na nakapagbigay impormasyon sa ating lahat na posible palang ito rin ang nangyayari sa atin minsan kapag may mga nawala sa ating tahanan.

Viral ang post ng isang netizen na kinilala kay Sherryl Anlap Tayhopon matapos niyang ibahagi sa social media ang natuklasang kakaiba kung saan napupunta ang mga nawawala niyang pera.

Palagi raw niyang napapansin na nababawasan o nakukulangan ang pera niya kahit na sila-sila lang naman ang nasa bahay. Hanggang isang araw ay may nakita siyang daga at nagpasya siyang habulin ito at sundan. Nakita niya itong pumasok sa isang bahagi ng pader ng kanilang bahay hanggang sa hindi na niya ito nakita.

Nagdesisyon siyang pailawan ang bahaging iyon at nasorpresa siya sa kanyang nakita. Nakita niya ang ilang piraso ng paper bills sa bahagi na pinasukan ng daga. At nang kuhanin nila ito, nalaman niyang ito pala ang hinahanap niyang pera na nababawas sa pera niya.

May ilang piraso nga lang ng pera na nangatngat na ng daga. Umaasa siya na maaari pa niyang maipapalit ito sa bangko.

Loading...