Kumakalat na Larawan ng Aktor na si John Lloyd Cruz, Kinabahala ng Kanyang mga Fans.

Biglang naging tahimik ang buhay ng aktor na si John Lloyd Cruz matapos na magkaroon ng relasyon at anak sa aktres na si Ellen Adarna na ngayon ay hiwalay na rin sa kaniya.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Taong 2017 ng nagfile ang aktor ng ‘indefinite leave of absence,’ sa ABS-CBN Network, at simula noon naging pribado na ang kanyang pamumuhay. Minsan ay nasisilayan pa din siya ng ilang mga netizens at namumuhay ng simple, kabaligtaran sa ating mga nakikita sa telebisyon.

Maraming taga hanga ng aktor ang nag-aabang pa rin sa kanyang muling pagbabalik at paggawa ng mga pelikula.

John Lloyd Cruz to guest in first ever Boy Abunda interview since hiatus |  Philstar.com

Sa katunayan, isa sa mga pinaka-inaabangang proyekto ni John Lloyd ay ang pelikulang ‘Servando Magdamag.’ Pagbibidahan niya ang pelikulang ito na maaaring ipalabas na sa takilya ngayong taon. Ayon pa sa aktor, kakaiba raw ito sa mga nakalipas niyang pelikula, kaya paniguradong mag-eenjoy ang mga fans.

Ang ‘Servado Magdamag’ ay Lav Diaz adaptation ng short story ni Ricky Lee. Ayon kay John Lloyd, labis na paghahanda rin ang ginawa niya para mabigyan ng justice ang role na ito.

Nagbigay rin daw ito sa kanya ng bagong commitment at challenges sa pagbabalik niya sa pag-arte. Kamakailan lang, kumalat sa social media ang larawan ni John Lloyd na nakasakay sa jeepney.

Matagal-tagal na rin simula nang makita si John Lloyd sa publiko, kaya naman maraming fans ang na-curious sa kalagayan ng aktor. Sa mga kumakalat na larawan, makikitang nakakabahala nga ang itsura ng aktor at mukhang hindi nasa ayos na kondisyon.

Sa mga kumakalat na pictures, mapapansing nakasuot ng t-shirt at shorts ang aktor. Mapapansin rin ang malaking sugat nito sa ulo at sa braso. Gayunpaman, nakangiti si John Lloyd at tila kumakaway pa sa kanyang mga fans na nasa labas ng jeepney. Hula ng mga fans ay para ito sa taping niya sa ‘Servando Magdamag.’

Dahil sa mga larawang ito, lalo pang naging interesante ang pelikulang ito. Sa ngayon ay nasa lock-in taping si John Lloyd sa Sorsogon.

Pinaka-aabangan ngayon ito ng kanyang mga solid fans.

You May Also Read:

Isang Kapitbahay ang Humingi ng Tulong para sa Matandang Lalaki na Nakatira sa parang Tangkal ng Baboy.

 

Loading...