Isang Security Guard Na Matiyagang Tinuturuan Ng Pagbasa At Pagsulat Ang Ilang Mga Batang Kalye, Kinamanghaan.

Sa kabila ng mga balitang negatibo sa ating bansa, tila marami na sa atin ang nawawalan ng pag-asa na makasalamuha ng mga taong magpapakita ng kabutihan maliban sa ating mga kamag-anak at kaibigan.

Subalit, pinatunayan ng isang Security Guard na ito na marami pa rin palang tao na may malasakit sa kanilang mga kababayan na handang magbigay ng tulong sa ibang pamamaraan. Sobra pa sa halaga ng pera ang naibigay ng guard na ito sa mga kabataan.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Nagviral ang mga larawang ito sa social media at makikitang habang naka duty ang Security Guard ay abala rin ito sa pagtuturo sa mga batang kalye.

Ang nasabing security guard na ito, ay nagdu-duty sa Palawan Pawnshop, malapit sa Arellano University na kung saan ay halos napakaraming tao ang madalas na makikita sa nasabing lugar tulad ng mga vendors at mga taong grasa o kalye na naglalakad-lakad.

Si John Robert Flores, ang netizens na kumuha at nagbahagi ng larawan na ito online. Ayon sa kanya, ay madalas niyang nakikita ang ilang mga kabataan kasama ang security guard, ngunit ng mga oras na kinunan niya ito ay isang bata lamang ang naroon at ito nga ang batang tinuturuan ng security guard sa larawan.

Talaga namang napabilib ng security guard na ito ang netizens na si John Robert Flores, kaya maliban pa nga sa pagbabahagi ng larawan nito ay ibinahagi din niya kung gaano niya na-appreciates ang ginagawa ni manong guard na pagtulong sa pamamagitan ng pagtuturo magsulat at magbasa sa mga batang kalye.

Patunay nga lamang ito na hindi kailangang may sinabi ka sa buhay upang ikaw ay makatulong sa iba, dahil tulad ng ginawa ni Manong guard sa simpleng pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga batang kalye ay isang malaking ambag na rin ito sa mga buhay ng mga batang ito na maari pang maging daan upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Salute to you manong Guard!

You May Also Read:

Isang Kapitbahay ang Humingi ng Tulong para sa Matandang Lalaki na Nakatira sa parang Tangkal ng Baboy.

Loading...