Huli sa CCTV! Misis Tinulungan Si Mister na Maka-Abroad Subalit ang Kapalit ay Pagtataksil!

Ang isang masayang pamilya ay binubuo ng mag-asawang nagtutulungan sa lahat ng bagay upang makamit ang maayos na pamumuhay para sa mga anak. Malaki ang sinasakripisyo ng mga magulang lalo na yung mga OFW upang maibigay lamang ang buhay na maayos sa mga anak.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Kaya tinutulungan ni Christalyn Jambaro ang kanyang asawa na makapag-abroad upang dalawa sila ang tutupad ng kanilang mga pangarap, subalit tila taliwas ang nangyari.

Dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action si Christalyn  upang manghingi ng tulong laban sa ginawa ng kanyang asawa.

Ayon kay Christalyn, buong pusong tinulungan at sinuportahan ng kanyang pamilya at kamag-anak ang pangingibang bansa ng kanyang asawa na si John Carl upang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak.

Tinulungan makapag aral at makapunta ng Australia si Carl. Nang makatapos ito ay kaagad nakapasok ng trabaho sa tulong pa rin ng tiyahin ni Christalyn na may sariling restaurant sa nasabing bansa.

Ngunit hindi nila akalain na ito ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya. Ang dapat sanang simula ng pagtupad ng kanilang mga pangarap ay nauwi sa tanggapan ni idol Raffy.

Tila nabaliwala ang 11 taong pagiging kasal ng mag asawa nang maaktuhan sa CCTV ang pagtataksil ni John Carl kay Christalyn.

Huling huli sa CCTV footage ang pag lalabing labing at ilang beses na paghalik ng lalaki sa nasabing kalaguyo nito sa mismong restaurant ng tiyahin ni Christalyn.

Ilang beses sinubukang tawagan ni Christalyn ang asawa para kausapin ngunit bigo ito at sa huli ay nakatanggap na lang ng text message mula kay John Carl na nagsasabing “pabayaan mo na lang ako”

Lingid sa kaniyang kaalaman na bukod sa nakitang eksena sa CCTV ay napabalitang nagli live-in na ang dalawang ito. Ito ay matapos tanggalin sa trabaho ng tiyahin ni Christalyn ang kanyang mister at babae nito.

Sa kanyang interview, tinawag ni Christalyn na walang awa at walang utang na loob ang kaniyang mister dahil sa ginawa at pagpili sa kanyang kabet bukod sa kaniyang sarilling pamiya.

Kaya’t hiling niya sa tanggapan ay matulungan siyan na ipa-deport ang dalawa.

You May Also Read:

Isang Kapitbahay ang Humingi ng Tulong para sa Matandang Lalaki na Nakatira sa parang Tangkal ng Baboy.

Loading...