TIRA-TIRANG PAGKAIN MULA SA MGA KAINAN, LAMAN-TIYAN NG ILANG PILIPINO SA GITNA NG PANDEMYA
Umabot sa 7.6 million households ang nagsabing hindi sapat ang kanilang pagkain, batay sa SWS Survey noong Setyembre 2020. Para kay Tatay Ben na umaasa sa pagpag o ang mga tira-tirang pagkain mula sa mga kainan, tila mas naging mahirap pa ang sitwasyon sa gitna ng pandemya. Kung dati, kahit papaano, may natitirang laman mula sa pagpag. Ngayon, halos buto na lang daw ang nakukuha nila.
You May Also Read:
Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.
Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.
Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.
Halos isang taon na simula ng makaranas ang buong bansa ng hagupit ng pandemya, hindi lamang bansang Pilipinas kundi ang buong mundo ang apektado nito. Ang pandemyang ito ay naging dahilan ng maraming pagkasawi ng mga tao at pagkawala ng pinagkukunang hanapbuhay ng bawat isa.
Dahil sa tumataas na bilang ng mga c0vid-19 positive cases sa bansa, ang pamilyang Pilipino ay araw-araw na nakikipaglaban di lamang sa v1rus kundi sa kahirapan na makaraos sa bawat araw. Kasabay pa ng pagtaas ng mga bilihin, mas lalong naging mahirap ang mahirap, kahit pa man mga nasa mataas na estado ng kanilang buhay ay nakaramdam ng kahirapan sa ngayon.
Sa dokumentaryong ito ni Atom Araullo, nakaharap niya ang mga tao sa metro, ang mga residente ng Aroma Tondo na naka depende lamang sa pagkain ng “pagpag” o tira-tirang pagkain.
Matapos na magsara ang ilang restaurants at junk shop dulot ng lockdown, ang paghahanap sa mga tirang pagkain mula sa mga basura ay napakahirap. Sa Caloocan, isa sa mga pinagkukunang pagkain ng mga nagugutom na pamilya ay ang panghuhuli ng isdang gurami mula sa gutter o streams na malapit sa kanilang tahanan.
Kahit pa man ang mga magsasaka at mangingisda sa Camarines Norte na silang nagpo-provide sa bansa, sa ngayon ay nakaramdam rin ng kakaibang gutom.
Narito ang ilan pang ulat ni Atom:
Pagpag is a term given to left-over food, meat picked from garbage and dumps, which is then washed, cooked, and sold to poor communities in Manila, Philippines.
These communities are at the very bottom who fail to afford a single meal.
They work day and night, roam on the streets collecting leftover food from dumps and garbage.
Then they wash and remove all the dirt from the meat, wash it, remove bones and other unwanted elements, pack it in a plastic bag and sell it to their potential clients.