Hindi lang beauty at brain ang taglay ng sikat na aktres na si Ivana Alawi kundi may busilak na puso rin para sa mahihirap nating kababayan.
You May Also Read:
Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.
Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.
Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.
Kung noon ay ang mga delivery driver ang pinaiyak niya dahil sa tulong na ginawa niya, ngayon naman ay mga random na tao sa kalsada ang biniyayaan at sinurpresa niya.
Sa bagong content ni Ivana, nagpanggap siyang babaeng grasa. Todo ayos siya na nagsuot ng wig, nagsuot ng damit na puti na marumi, naglagay ng itim na make up o uling nakasuot na face mask, at naglakad-lakad sa kalsada na may hawak na karton na nakasulat ang mga salitang ‘Tulong lang po, pamasahe para makauwi na ako sa Baguio.’
‘Pranking Strangers on the Street: Umiyak ako, ‘di ko kinaya!’ ang ginamit niyang title sa vlog na `yon. Pero, mas bagay na ‘Helping Strangers on the Street’ sana.
Ang bawat piso na ibinibigay ng mga estranghero sa kalye kay Inday ay pinapantayan ni Alawi ng P1,000.
Tulad ng ipinakita, hindi bababa sa 10 katao ang nagbigay sa kanya ng pagkain at pera, ngunit hindi inaasahan ni Alawi na maluha siya ng kanyang huling “kalokohan” sa isang 58-taong-gulang na vendor ng kakanin na nagngangalang Joselito Martinez.
Nagbigay siya ng pera, pagkain, at nag-alok pa na bumili ng softdrinks niya habang nag-uusap sila. Sobrang naantig si Alawi ng maiinit na pagkatao ng matandang lalaki na hindi niya mapigilang umiyak habang inaabot sa kanya ang P20,000.
“Hindi ko akalain na ganito. Biyaya ng langit ito. Salamat po,” sabi ng matandang lalake.
“Tatay, ang bait niyo…” humahagulgol na sabi ni Ivana.
At hanggang sa maghiwalay sila ng tindero, iyak pa siya nang iyak. Hindi siya makapaniwala na may taong mahirap na magbibigay ng pera sa kanya, magbibigay ng kutsinta, ibibili siya ng tubig at soft drinks.
“Saludo ako sa kanya. Tatay ko na siya ngayon,” umiiyak na saad pa rin ni Ivana.
Ipambibili raw ng bisikleta ng matandang lalake ang binigay na pera sa kanya ni Ivana. At hanggang sa huli, kung hindi sinabi sa kanya na si Ivana ang nakaharap niya, hindi niya malalaman. Gulat na gulat siya noong sabihin ng staff sa kanya na si Ivana ang babaeng nakaharap niya.
“Ha? Ay si Maam Ivana pala `yon. Hindi ko siya nakilala,” sabi pa ng matandang lalake.
Pero, ang hindi alam ng matandang lalake, may karugtong pa ang biyaya sa kanya ni Ivana. Ipahahanap nga raw siya ni Ivana para bigyan pa ng mas malaking tulong.
“Ang bait niya, sana dumami pa ang mga katulad niya. Maraming salamat sa kanya dahil nakita ko na may pag-asa pa rin tayo, lalo na kapag may mga katulad ni Tatay, na hindi nga mayaman, tumutulong pa rin.
“Ipapahanap ko siya at mas tutulungan ko pa siya,” sabi na lang ni Ivana.