Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

May mga taong naging b1ktima ng mga pang h0h0ld-up dahil na rin minsan sa kanilang mga ginagawa na di nila namamalayan ay nag-iimbita sila ng kapahamakan sa kanilang buhay.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Katulad na lamang sa di kilalang Ale na ito sa loob ng pampublikong jeepney na nakunan ng litrato ng nakasabay na pasahero dahil sa ayos at ginagawa nito.

Ibinahagi ng Go Davao sa isang Facebook group ang larawan na kuha ni May Castro mula sa Santa Cruz, Davao del Sur.“Naol yayamanin. Hindi raw napigilan ni May Castro ng Santa Cruz, Davao del Sur na kuhanan ng litrato ang babaeng nakasabay niya sa jeep na may dala-dalang plastik na puno ng pera. Karamihan dito, tig-iisang libo!” sabi nila sa post.

Bukod sa pera na hawak ng babae ay marami rin itong suot na alahas, mula sa singsing, pulseras, at kwintas na tila mga gawa sa ginto. “Kuha rin sa larawan ang malalaki at makikinang na alahas nito na tila hindi natatakot na manakawan. Iba rin!” sabi pa ng GO Davao sa kanilang post.

Ang ilang netizens, nag-alala para sa kaligtasan ng ale lalo na at nasa pampublikong sasakyan siya at mainit ang kaniyang pera at alahas sa mata ng masasamang loob. “Lakas ng loob at masyadong tiwala si ate. Ingat at alerto siguro kaya ganiyan,” komento ni Francia M.

“Bibili siguro ng sili o ‘di kaya baboy itong si Nanay,” biro naman ni Carlos G.

Ang tanong ng netizens kay ate, “how to be you po?”

Pero bilang paalala naman sa lahat na wag gayahin ang ginawa ng Ale dahil pawang delikado ito at pwedeng malagay sa panganib ang buhay mo. Itago kapag nasa publiko ang anumang gamit na mainit sa mata ng mga kawatan.

Loading...