Walang nagawa ang sampung taong gulang na bata sa mga kawatan na tumangay ng kanyang cellphone at benta na P800 sa paglalako ng lumpia sa Calasiao, Pangasinan.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Napahagulhol na lamang siya pagkatapos ng pangyayari. Di umano ay nagpakilalang kagawad at kaibigan ng lola ng bata ang lalaking hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.
Ilang buwan pa di umanong pinag-ipunan ng bata ang pinambili niya ng cellphone na ginagamit naman sa kanyang online class. Ang kanyang benta naman ay nakalaan ito na ipambili ng mga bagong damit at sapatos.
Hindi rin pinatawad ng kawatan ang lumpiang ibinebenta ng bata. Pati iyon ay tinangay.
“Pati din ‘yung mga pagkain kinuha din,” sabi ng bata.
Nagpakilala umanong isang kagawad ng barangay ang lalaki at sinabing kaibigan nito ang lola ng bata. Dinala raw siya ng lalaki sa isang lugar at doon kinuha ang cellphone, pera at paninda niya. Bago raw umalis ang lalaki ay sinabing tatawagan nito ang lola ng bata, subalit hindi na ito bumalik hanggang makatulog na ang bata sa lugar na pinagdalhan sa kanya.
“Pinilit niya po ako hanggang makatulog na ako sa bilihan ng tsinelas po…’yung tambayan doon. Doon lang po kami natulog tapos sinabi niya pong tatawagan niya ‘yung lola namin,” salaysay ng bata.
May mensahe naman ang bata sa kawatan.
“Sana kapag makikita n’yo ‘to huwag n’yo nang ulitin sa iba po,” anang biktima.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Calasiao PNP. Nangangalap na sila ng posibleng CCTV footages sa pinangyarihan ng insidente.