Ng Malaman niyang Service Crew ang Trabaho ay di na niya Kinuhang Ninang, Dahil Baka Walang Maibigay na Aginaldo sa Anak Nito.

Kadalasan na kinukuha na mga Ninong at Ninang sa kanilang anak ay yaong malalapit na kaibigan nila dahil may tiwala sila sa mga ito na maging pangalawang ama at ina sa kanilang mga anak habang lumalaki.

You May Also Read:

Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera

Lihim na Lagusan, Aksidenteng Nadiskubre sa Gitna ng Kagubatan, Matapang na Pinasok ng Lalaki at Nagulat sa Kanyang Nakita sa Loob.

Sila ang magtatayo bilang pangalawang magulang sa kanilang inaanak. Kung kaya’t siguro sa panahon ngayon ay maraming mga magulang na ang pumipili ng ninong at ninang na mapera para may panggastos sa birthday ng inaanak nila.

Nakakatuwa mang isipin pero ito yata nag realidad sa iilan, dahil marami tayong mga nababasang ganitong kwento sa social media.Kung kaya’t nakakalungkot naman ang naging karanasan ng netizen na ito na kinilalang si “Kath”.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya ang naging usapan nila ng babaeng kukunin raw sana siyang ninang ngunit nagbago ang isip dahil “service crew lamang” daw ang trabaho ni Kath. Kalakip ng post ang mga screenshots kung saan mababasa ang tila panghahamak sa kaniya nito.

“Hindi ako mahilig mag-post ng mga ganito, pero ang funny lang kasi kung paano ka mang-degrade knowing na UMAASA ka lang naman sa maibibigay ng mga future godmother/father ng anak mo,” saad niya sa kaniyang caption.

Batay sa conversation threads nila, tinanong ng naturang nanay na kumukuha sa kaniya upang maging ninang, kung sa opisina ba talaga siya nagtatrabaho o sa restaurant. Tapat namang sinagot ni Kath na nagtatrabaho nga siya bilang service crew.

Buong akala raw ng naturang nanay na sa opisina nagtatrabaho si Kath. Kukunin raw sana siyang ninang, subalit nagbago nga ang kaniyang isip dahil baka nga kulang pa raw kay Kath ang sinusuweldo niya, at baka hindi makapagbigay ng aginaldo sa kaniyang anak.

Sinagot naman siya ni Kath na wala naman daw siyang sinabi o kinumpirma na sa opisina siya nagtatrabaho. Pagkatapos, inakusahan pa siya nito na nagpapakasosyal lamang, at ikinakahiya ang trabaho bilang service crew sa abroad. Akala pa naman daw niya, malaki ang sinasahod nito.

“Huy teh! Bangag ka ba? Wala naman nagsabi sa iyong kunin mo akong ninang eh. Ni hindi nga tayo close eh. Saka, bakit ka ba nagbabantay ng mga post ko? Kukunin mo akong ninang kasi akala mo malaki ang sahod ko? Hahahaha,” saad ni Kath.

At muli na naman siyang nakatikim ng pangmamaliit mula sa taklesang nanay.

“Oo pero baka kulang pa sa iyo ang sahod mo at hindi ka makapagpakimkim sa anak ko. Hindi kasi ako kumukuha ng ninang na hindi maganda ang work para kapag may need ang anak ko, madali lang sila makakapagbigay,” sabi nito.

Dito lalong nagpanting ang mga tenga ni Kath. Sinabihan niya ang naturang nanay na hindi na sana siya nag-anak kung iaasa lang sa mga ninong at ninang ang mga pangangailangan nito; ginawa raw kasing business. Ang ending, ang nanay pa ang nagalit at sinabihan siyang ia-unfollow siya.

“Ayaw rin kitang maging kumare kasi wala kang pera,” ang nasabi na lamang sa caption ng kaniyang post sa labis na gigil niya.

Loading...