Naglalako ng Chichirya na Naka Holding Hands, Umani ng Magagandang Reaksyon sa Netizens.

Walang problemang hindi malalampasan kapag tulong-tulong at nagkakaintindihan ang dalawang taong nagmamahalan. Hindi basehan nag estado sa buhay upang sabihing magiging masaya ka sa taong pinili mong makasama, bagkus mas masaya yung taong tanggap ka at handang tulungan sa lahat ng iyong mararanasan.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Sabi nga nila, mas nakikilala at mas napapatunayan ang pagiibigan ng dalawang tao kapag dumadaan sa iba’t ibang hamon ng buhay.

Ganyang klase ng pagmamahalan ang ipinakita ng couple na ito na pinost ng Facebook account na Good Goods.

Makikita sa larawan ang dalawang tao na nagbebenta ng chichirya. Kahit gabing gabi na ay kumakayod pa rin sila. Isang babae at isang lalaki ang nasa larawan. Bagay na marami ang natuwa at nabilib dahil habang nilalako nila ang kanilang mga paninda ay mapapansin ang kanilang mga kamay na naka holding hands.

Nakakakilig nga namang makita ito na habang naghahanap buhay ay mas inspired ka nga namang kumita at kumayod dahil kasama mo ang mahal mo sa buhay Lalo na kung ka holding hands mo pa ang mahal mo sa buhay habang nagtatrabaho.

Hindi ba’t nakaka inspire at mas mabilis maibsan ang pagod?
Kaya naman, napakarami ng mga netizens na mapapa sana all dahil sa saya at kilig na dulot ng larawan.

Narito ang isa sa mga komento ng mga netizens na labis na natuwa at na inspire.
“Kayang-kaya natin yan mahal. Basta tulad nina nanay sa picture, sabay lang nating haharapin ang mga pagsub0k at magkasabay natin yang malalampasan. I l0ve you!” sambit ng isang netizen at may tag pa sa kanyang asawa.

Loading...