Mga Kakaibang Obra Maestra, Gamit ang Mga Basura sa Tabing Dagat Ginawa ni Mang Pedro Angco Jr.

Wala sa taas ng pinag-aralan mo kung ikaw ay may taglay na talento. May mga magagaling na mang-aawit, mananayaw, pintor, at marami pang iba na pawang mga nagmula sa mahirap na pamilya.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Kadalasan pa na mga nananalo sa patimpalak ay yung mga may malalim na pinagdaanan sa buhay. Kamakailan lang din ay nag trending sa social media ang ating kababayang si Pedro Angco Jr. Siya ay isang magaling na artist mula sa Baclayon, Bohol.

Isang netizen na nagngangalang si Kien ang nagbahagi ng kwento ni Mang Pedro sa social media.

Makikita ang kanyang mga obra maestra na talaga namang napaka malikhain. Ibang iba nga naman ang gawa ng kanyang mga kamay at ang kagandahan pa ay gawa pa ito sa recycled materials.
“We did not expect na makaka- meet kami ng isang unique artist. Na-amaze kami sa mga artworks po niya kasi ang mga raw materials na gamit po niya is made from ocean trashes,” saad ng netizen na si Kien.

Talaga palang napakataas ng respeto at pagmamahal ni Pedro sa kalikasan. Siya mismo ang namumulot ng mga basurang tsinelas, sandals at mga lubid sa tabing dagat.Matiyaga niya itong pinulbos gamit ang lagare at kutsilyo. Dalawa hanggang limang araw pa ang inaabot ng paggawa nito. Ito ang sining na mixed media kung tawagin.

“Waste is precious, waste is a raw materials,” napatunayan nga naman ito ni Pedro sa kanyang mga gawa. Ang kagandahan pa ay nakakatulong ito sa kanya dahil binebenta niya ang kanyang
mga obra.

Bilib na bilib din ang mga netizens sa kanya:
“It is not what you have that makes you, it is what you do with what you have.More blessings po sa inyo, Manong!””Napakamakabuluhang sining at pagkalinga sa buhay. Marapat na ITAGUYOD sa pagmamahal sa kalikasan ang RECYCLED ARTS.”

Loading...