Kung ano daw ang itinanim ay siya ring aanihin. Ito ang pinamalas ng isang kawani ng Department of Public works and Highways (DPWH) Caraga na kinilala kay Bernardo Dela Cruz.
Si Bernardo ay nakapulot ng bag na naglalaman ng limpak-limpak na salapi na nasa P360,000, at ito ay taos pusong isinauli niya sa may-ari.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Si Bernardo ay isang survey aide sa nasabing ahensiya, sa kanyang pinamalas na katapatan na nagbigay rin karangalan sa kaniyang pinapasukan, pati kanyang mga kasamahan ay masaya at proud sa kanyang ginawa.
Bilang pagsaludo nila kay Bernardo ay nag-ambagan ang kanyang mga kasamahan upang mabigyan siya ng regalo o reward na isang motorsiklo.
“Very proud kami sa kaniya… Binigyan namin siya ng isang brand new motorcycle dahil sa pag-ambag-ambagan ng mga tao rito para magamit niya sa hanapbuhay,” sabi ni DPWH Caraga regional director Pol Delos Santos.
Pauwi na sana si Bernardo matapos na mamalengke nang makakita ng isang bag. Nang buksan niya ito ay tumambad ang bungkos-bungkos na pera. Sinubukan niyang maghanap ng identification card upang matawagan ang may-ari nito ngunit wala siyang nakita.
Nagpasya siyang ipagbigay-alam ito kay DPWH Administrative Division Chief Atty. Joel Gingane.
Dito na nila nalaman na ang may-ari pala ng bag ay ang supervisor-cashier ng San Isidro Upland Farmers Multipurpose Cooperative na si Jean Hinayon.
Hindi niya raw namalayan na nahulog ang bag kaya naman nanalangin siyang sana ay may mabuting puso ang nakakuha nito. Hindi naman siya nabigo dahil hindi nagdalawang-isip si Bernardo na ibalik ang pera sa may-ari nito.
Tumanggap din si Bernardo ng plaque of recognition. “It was truly an honor to present Bernardo Dela Cruz this plaque. His honesty and action are beyond expectation especially in this time of pandemic, and worthy of commendation,” dagdag pa ni Delos Santos.
Bukod dito ay bibigyang prayoridad daw si Bernardo sakaling magkaroon ng bakanteng permanent position.
Congratulations, sir Bernardo!