Talagang kahang-hanga ang mga amang sobrang responsable sa kanilang pamilya, yung tipong hanggang sa ka apo-apuhan sa tuhod ay tinataguyod pa rin, di alintana ang kanilang edad na dapat ay nagpapahinga na rin.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita.
Isang halimbawa rito ay ang 64 anyos na si lolo Felix Endrina o kilala bilang Mang Felix na isang nagbebenta ng taho bilang hanapbuhay.
Tila di ramdam ni Mang Felix ang hirap, pagod at bigat na pinapasan sa kanyang mga balikat para lamang maka likom ng pera sa araw-araw at matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Simula alas 6 ng gabi hanggang alas 2 ng madaling araw ay nagtitinda si Mang Felix ng taho, na kinukuha naman niya sa kanilang kapitbahay. Dahil sa hi-tech na rin ngayon, may mga nagte-tex din sa kanya upang bumili ng taho, at agad naman niyang dini-deliver ito na nilalakad lamang.
May mga flyers din si Mang Felix bilang kanyang paraan upang maka kuha pa ng mga customer, at minsan ay kanyang nabigyan itong netizen na si Mika Ramos na kanyang ibinahagi sa kanyang facebook account para kapag may gustong umorder sa mga party’s ay siya na lamang ang kukunin nila, dahil nakasabay niya raw si Mang Felix minsan.
Mas ninanais ni Mang Felix na makakuha ng order sa mga espesyal na okasyon dahil medyu malaki raw ang kanyang kinikita nasa P3,500-4,000 at may kasama pang tip.
Sa tuwing kasi naglalako lamang siya ay pinagtitiyagaan niya ang tig sampu-sampung pisong kanyang kinikita kada baso at minsan ay hindi pa mauubos ang kanyang paninda.
Talagang kahanga-hanga si Mang Felix, isang responsableng asawa, na siya a raw ang nagtataguyod sa mga gamot ng 69 anyos na asawang may ulcer, sampung anak at pati mga apo. Kaya bilang tulong naman ng netizen na si Mika, nananawagan ito na sana ay marami pa ang mag book ng order kay mang felix bilang tulong na rin sa kanya.