Sobrang hirap ang naging kalagayan ni Lolo ng ito ay matagpuan ng mga pulis at ilang good samaritan na ang kanyang bahay ay nasa ilalim ng puno ng santol.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Naninirahan si Lolo sa isang tagpi-tagping materyales na nagsilbing kanyang silungan sa puno ng santol. Nadiskubre ang mahirap na kalagayan ni lolo Marcelito Masula matapos na isang babae ang nagreport sa mga pulis tungkol sa nahulog na wallet malapit sa establishment.
Nang mag imbestiga sila nakita sa cctv na isang lalaki na nakapulot ng wallet, at nakilala ito ng kapulisan dahil madalas daw itong nakikilimos sa bayan, anak ni tatay Marcelito Masula. Agad pumunta ang mga pulis sa bahay at nadiskubre ang kalagayan nila.
Ang lalaki na nakita sa cctv ay agad naman isinauli ang wallet at nabawasan na ito dahil bumili daw ito ng dalawang sardinas para sa kanilang hapunan, at ang pera binigay kay tatay para daw ibili sana ng gamot. Sa awa ng pulis at may-ari ng wallet tinulongan nila ito at pinatanggal ang record sa PNP naawa ang mga pulis at nagbigay ng kalahating sakong bigas at ang may-ari ng wallet ay nagbigay din ng two thousand pesos para pambili ng gamot.
Pinuntahan din ng isang may mabuting puso na ang pangalan ay si “Pobreng Vlogger” na kung saan ito ay marami na din natulongan. Nagtulong tulong bayanihan ang mga nakaalam ng location ni lolo, kasama ng mga opisyales ng barangay at PNP Makato ang nangunguna sa bayanihan na isinasagawa para mapatayuan ng bahay si tatay Marcelito. At Dadalhin din daw si tatay Marcelito sa Health Center para maipasuri.
Maraming salamat at sa lahat ng mga taong may ginintuang puso para tumulong sa mga mahihirap na isa na dito si tatay Marcelito.
Mabuhay po kayo at lubos na pagpalain ng ating dakilang Poong Maykapal. Napakasarap marinig ang ganitong mga mabubuting gawa sa ating kapwa.