Isa sa pinakatatakutan ng mga magulang ay ang malagay sa peligro ang kalusugan ng kanilang mga anak. Subalit minsan, kahit ano pang bantay ang gawin sa mga bata, di talaga maiiwasan na may mangyaring hindi maganda sa kanila.
You May Also Read:
Mag-amang Mahimbing na Natutulog sa Nakalutang na Basura, Umantig sa Puso ng Publiko!
Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera
Kaya bilang paalala na rin sa mga magulang, na ang pangan1b na ito ay pwede ring mangyari sa kanino mang bata. Dapat na alamin natin at siguraduhing ligtas ang ating inihahain.
Kamakailan lang kasi ay nag trending sa social media ang tungkol sa isang bata na umano’y nakakain ng tipak o bahagi ng isang metal na strainer na ginagamit sa kusina. Muntik nang ikapahamak ng bata ang pagkakakain nito sa naturang maliit o mala-sinulid na bahagi ng metal strainer kung hindi ito agad naagapan at nakuha ng doktor mula sa loob ng katawan ng bata.
Base sa mga larawang ibinahagi kaugnay ng naturang pangyayari, makikita na nakausli na ang ibang bahagi ng ginamit na metal na salaan kaya marahil hindi namalayan na nalaglag ang ilang bahagi ng metal na salaan sa pagkain at nakain ng bata.
Kaya naman, dahil dito kaya ipinapalaganap ang babala para sa mga magulang na dapat suriing mabuti ang kinakain o inihahain ng mga ito sa kanilang mga anak lalo na sa mga bata. Magdoble ingat umano ang mga ito sa pagsuri sa mga pagkain bago tuluyang ihain sa mesa.
“MAG INGAT! Lalo na sa mga magulang na may anak na maliliit pa lamang. Maging mapanuri ng inyong hinahain dahil baka ito ay makapahamak sa ating mga anak,” ani pa nga tungkol dito ng isang Facebook post.
Agad naman na ikinabahala ng marami ang tungkol sa pangyayaring ito at inihayag na mas sisiguraduhin na nilang maayos ang kanilang mga gamit sa pagluluto at susuriing mabuti ang pagkain bago ihain ang mga ito.
Heto nga ang ilan sa mga payo at reaksyon na inihayag ng mga netizen tungkol dito:
“Mas maganda kung plastic na salaan ang gamitin. Makikita mo agad kung may dumi or anuman sa pagkain. Ingat-ingat din po tayo sa pagbibili ng kinakain natin sa araw-araw.”
“Huwag nang manghinayang! Ibasura na at bumili ng bago!”
Hindi lang po sa pagkain. Barya na nahulog sa bed, baka malunok ni baby. Buto ng kahit anong prutas, baka maipasok sa ilong. Wrapper ng candy/pagkain, etc!”
“Sa steel wool din, ‘yang local na klase madali mapolpog. Dapat banlawang mabuti.”