Isang malaking pagsubok sa ngayon ang paliligo kada umaga dahil sa ibang ginaw na dating nito sa ating katawan. Kadalasan ang malamig na panahon ay nasa buwan ng Enero hanggang Pebrero sa ating bansa. Kaya bago pumasok sa paaralan at trabaho man, isang malaking hamon ang maligo sa malamig na tubig bawat umaga.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
May mga tao naman na hindi kaya ang lamig kaya hindi naliligo kada umaga, pero gaano nga ba katagal ang kaya mong hindi maligo?isang araw, dalawa o tatlo? Naku napaka lagkit na siguro ng pakiramdam mo.
Pero, may isa palang tao sa mundo na nakakaya ang hindi maligo sa loob ng 67 na taon o halos 7 dekada.
Siya ay kinilala kay Amou Haji na nasa 87 taong gulang, at hindi siya kailanman naligo sa loob ng 67 na taon. Naninirahan siya sa Dejgah isang village sa Kermanshah province ng Iran. Ang kanyang aura ay katulad ng mga taong sa bibliya na kina Moses.
Palagi na lamang siyang covered ng mga alikabok at dumi sa katawan, ayon sa ulat, hindi daw siya naliligo ng ganun katagal dahil sa takot ito sa tubig, at naniniwala siya na kapag siya daw ay naligo, magkakasakit siya.
Talaga ngang kakaiba siya dahil ang kanyang kinakain ay mga nabubulok na karne ng patay na hayop katulad na lamang ng porcupine. Nagsisigarilyo din siya pero hindi tabako ang laman kundi mga dumi ng hayop.
Ayon pa sa Tehran Times, isa sa mga dahilan na nag udyok kay Haji na manirahan sa disyerto ay dahil sa nabigo ito sa dati niyang pag-ibig ng kabataan niya.
Nagsusuot siya ng war helmet hindi para makipag-away kundi para maging mainit ang kanyang katawan sa panahon ng taglamig.
Kung saan-saan din siya naninirahan, minsan sa mga nitso, mga imburnal kung kaya’t tinagurian siyang “The World’s Dirtiest Man”.
Umiinom daw siya ng 5 litrong tubig kada araw mula sa isang malaking kawanging lata at pinuputulan naman niya ang kanyang buhok sa pamamagitan ng pagsunog nito.
Talaga ngang kakaiba ang naging buhay ng matandang lalaking ito. Pero umabot pa siya sa ganyang edad sa kabila ng kanyang kakaibang paraan para mabuhay.