Naniniwala ba kayo sa mga anghel? Marahil Oo, yung literal na anghel na mayroong pakpak na di-umanoy gumagabay sa atin na kailanman ay hindi naman natin nakikita at bunga ng imahinasyon. Pero kapag sinabing anghel na may busilak na kalooban, marami pang ganyan dito sa sanlibutan.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Sila yung mga taong may ginintuang puso na ginamit na kasangkapan ng Diyos upang tumulong sa kapwa nito. Ganito ang naging kwento ng isang netizen sa social media na agad namang umani ng maraming reaksyon sa mga netizens.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Jaive Joseph Roble ang mga larawang naging bahagi ng karanasan na iyon, kasama ang buong kwentong sadyang pumukaw ng atensyon at pag-hanga sa napakaraming netizens, dahilan upang magtrending ito sa social media.
Ayon kay Roble, pinagtagpo sila ng Diyos noong araw na iyon upang magkakilala at maging magkapatid sa maikling sandali.
Basahin natin ang napakagandang istoryang ito at nawa ay maging inspirasyon sa ating lahat.
Narito ang buong post:
“Kapit Sa Dios”
Naglalakad pauwi, nakaheaphone, pagkatawid ko sa isang intersection may kumalabit sakin, sabi, “Kuya baka may Php10 ka dagdag lang sana para pambili ng gatas ng anak ko!”
Pinipigilan ko luha ko while looking at him and listened more. “Hindi po ako masamang tao, Sir! Di ko po kayang gumawa ng masama lalong ayaw kong makulong kawawa pamilya ko.” Halatang kinakabahan.
“Kanina pa po ako paikot-ikot sa construction sites para makapasok kaso wala pa hong swerte, magiging totoo nalang po ako sa inyo Sir, di alam ng asawa ko ngayong araw namamalimos lang ako ngayon makapagdala lang gatas at pagkain ng baby namin, kaya lang naman naming magtiis dalawa sa asin at suka. Kawawa lang talaga mga bata.”
Tinanong ko sya anong gatas ng baby nya sabi, “Yung baby Sir, Nestogen, yung 160.00 lang po pwede ng pang dalawang araw. Yung 3 yrs old ko naman po Bear Brand nakabili napo ko ng diapers sir heto kinapos lang po talaga.” Sabay pakita ng 150.00 sa kamay.
Hindi ako sure at that point kung bigyan ko lang ba sya ng pera at umalis na, o ako na mismo bumili ng gatas, since malapit na kami sa may Market Market so I told him, “Tara Kuya pasok tayong Market.”
“Nako Sir, baka di hu ako papasukin. ” Sabi ko, “Wag ka magalala pinagtagpo tayo ng Dios ngayong araw, magkapatid tayo, ako bahala sayo! Di gaanong marami pera ko pero lika.”
Sa grocery hinanap namin yung kadalasan binibili nya, nagdesisyon akong kunin ang malaking pakete para allowance nya makadiskarte pa ng matagal-tagal at sinamahan ko na din ng manok, atay at giniling.
Walang tigil pasasalamat nya sakin. “Darating din ang panahon Sir, magkikita tayo ulit, ako naman manglilibre sa inyo!”
Hanggang sa dulo, sinabihan ko sya, “Patas lang tayo sa buhay Kuya kami man sa estadong to, marami ding mga utang na hinaharap. “Mabait talaga ang Dios Sir, pinakilala po kayo sakin, anghel ko po kayo ngayon.”
Salamat sa inspirasyon ngayong araw. Swerte pamilya mo sayo. Hanap ka agad trabaho at wag na wag panghinaan ng loob. Until we meet again Jerick Reyes!
Minsan nakakapanghina ng loob ang mga problema. Today, I realized Im still blessed to have this life, do not have much right now but will get there. Kapit lang sa Dios….”