Kuya Wil Mamamahagi ng P60K sa Bawat Matatawagan sa kaniyang 60th Birthday.

Dating singer, komedyanteng artista na ngayon ay isang sikat na TV host at tanyag na matulungin sa kapwa nito sa pamamgitan ng kanyang mga TV Shows, walang iba kundi si Willie Revillame o mas kilala sa tawag na “Kuya Wil”.

Sa darating na Enero 17, inanunsyo ng tv host na kung sinoman ang matawagan ay makakatanggap ng tumataginting na P60,000.00, ito ay kabilang sa kanyang pagdiriwang ng ika 60th Birthday.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Ani Willie sa kaniyang programa noong Huwebes, regalo niya ito sa kaniyang mga fans at manonood dahil ‘bawal’ daw na siya ang regaluhan sa kaniyang birthday.

“Tatawagan ko kayo sa Wednesday, January 27. Bawat tawag meron kayong makukuhang, eto, P60,000 cash!” anunsiyo ni Kuya Wil sa Wowowin.

Maliban dito, mayroon pang pakulo si Willie para naman sa lahat ng subscribers ng Smart, TNT at Sun Cellular.

Kailangan lamang magregister at mag-text ng birthday greetings sa kaniya gamit ang mga number ng nabanggit na mobile providers at ang mapipili ay magkakaroon ng tsansang makapaglaro sa ‘Pera o Kahon’.

Maaari nang magsimulang mag-text simula sa Enero 15 hanggang Enero 27 nang hapon.

“Pumunta lang po kayo sa Wowowin Facebook page para sa kumpletong detalye ng ‘Pera o Kahon’, o ang promo po naming nandun,” ani Kuya Wil.

Nilinaw rin ng Wowowin host na hindi pipiliin ang makasasali sa promo sa comment section ng Facebook page kung hindi sa mga text na naipadala sa kanila gamit ang Smart, TNT at Sun numbers.

Panoorin ang buong video para sa gustong suwertehin at makatanggap ng regalo mula kay Kuya Wil at sa Wowowin:

Loading...