Kilay is life! yan ang kadalasang motto ng mga babae. Hindi makalabas ng bahay na hindi naaayos ang kanilang mga kilay. Para sa kanila isang pandagdag self confidence ito kapag maayos ang kilay mo.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Kadalasan na mga Mister ay naiinip kapag may pupuntahan at isasama si Misis, dahil ang tagal daw ng mga babae mag-ayos, lalo na kapag nagkikilay pa. Kung kaya’t may mga babaeng nagpapatattoo na lamang ng kilay para hindi na time consuming kapag nag-aayos.
Subalit mga Misis at Miss maging maingat sa papapatattoo, dahil kamakailan lang ay nag trending ang isang netizen dahil sa mapait na sinapit ng kilay nito sa isang lalaking nagtatattoo.
Kwento ng netizen, laking panghihinayang at sobrang pagsisisi ang kaniyang naramdaman dahil siya ay nagtiwala sa umano’y tatt00 artist dahil sa hindi magandang resulta na kinalabasan sa permanent tatt00 na ginawa sa kaniyang kilay.
Sinubukan umano ng netizen na magpalagay ng tatt00 sa kaniyang kilay dahil na din sa kagustuhan na magkaroon ng magandang kilay.
Ayon sa ilang screenshot ng conversation nila ng nasabing lalaki, makikita na siniguro nito na magiging maganda ang kakalabasan ng pagta-tatt00 nito sa kaniyang kilay.
Ngunit, ang inaasahan na magandang kilay ng netizen ay nauwi lamang sa pagkadismaya at pagkapahiya dahil puro kritisismo lamang ang kaniyang tanggap dahil sa pina-tatt00 na kilay.
Sa iba pang larawan na ibinahagi ng nasabing netizen, makikita na hindi pantay at naging makapal ang kilay na kaniyang pina-tatt00. Dahil dito, hindi na lumalabas ng bahay ang netizen sa kanilang bahay dahil siya ay nahihiya sa itsura ng kaniyang kilay.
Sinubukan naman nila na makausap muli ang lalaki upang maayos ang kaniyang kilay dahil nga sa hindi magandang resulta nito. Sumagot naman umano ang lalaki sa tawag nila at pinayuhan siya na ipagpatuloy lamang ang paglalagay ng petroleum jelly nang sa gayon ay mabawasan ang kapal ng tatt00 na nakalagay sa kaniyang kilay.
Sinabi pa ng nasabing lalaki na hindi pa naghihilom o gumagaling ang tatt00 kaya naman makapal pa din ito. Dagdag pa ng lalaki na sigurado siya na maganda ang magiging resulta nito kaya naman dapat lamang siyang pagkatiwalaan ng netizen.
Ngunit, ang makapal na tatt00 sa kilay ng netizen ay hindi pa din nawawala at wala pa ring pagbabago dito kahit ilang araw na ang lumipas. Hindi na rin daw ma kontak ang artist at naka block na sa messenger ng babae.