Sundalong Faithful Umano, Nagbigay ng Leksyon sa Babaeng Nag-alok na Deserve daw niyang Gawing Kabit.

Naging malaking isyu ngayon sa komunidad ang problemang kinakaharap ng karamihan na mag-asawa, ito ay patungkol sa pagkakaroon ng 3rd party o “kabet” si lalaki o si babae, na siyang naging rason upang mawasak ang isang pamilya.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Kadalasan nating maririnig mula sa mga luhaang babae na pare-pareho lang daw ang mga lalaki, nature na daw nila ang mambabae dahil anya, palay na daw ang lumalapit sa manok, iiwas ka pa?

Pero pinatunayan ito ng isang sundalo mismo na hindi lahat ng lalake ay pare-pareho, ito ang kanyang sinabi matapos ibahagi ang isang conversation niya sa isang babae na nag-alok mismo na maging kabit niya.

Mula sa facebook page na Hugot Sundalo, makikita ang screenshots ng usapan ng sundalo at hindi pinangalanang netizen na willing umanong maging kabit ng naturang lalake.

Giit ng babae sa sundalo, ‘deserve’ umano nyang gawin syang kabit dahil sa gwapo nito.

Sagot naman ng lalake sa kanya, ‘sa ganda mo ring yan, deserve mo ng faithful na sundalo’.

Hindi naman agad natinag ang sibilyan sa sinabi ng lalake kung kaya muli nyang kinulit ito at tahasang inalok ang sarili sa natitipuhang militar.

“Deserve moko maging kabet sir” saad ng tila desperadang babae.

Ngunit nanatiling marespeto ang lalake at hindi sinamantala ang kahinaan ng nagkakagusto sa kanya.

Sa puntong iyon ay natauhan din ang babae at hindi na muling ipinilit pa ang sarili sa sundalo.

Sa caption naman ng naturang post, mababasa ang paliwanag ng lalake kung bakit ganito ang naging reaksyon nya sa mga sinabi ng babae.

Faithful po kasi talaga ako….
Pasensya po… Ayaw kong magkaroon ng rason yong babaeng mahal ko para iwan nya ako.

To ma’am peace po.. ??
Maganda ka po sa maganda.. Marami ka pang makikilala na pwedeng mag seryoso sayo… ???

#faithfulsoldier
#hugotsundalo
#blitz

Loading...