Lahat ay nagsisimula lamang sa isang simpleng pananakit na minsan iniinda lang natin dahil buong akala natin ay mga panandaliang sakit lamang at walang indikasyon para sa ikapahamak ng ating kalusugan.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Katulad na lamang sa nangyari sa isang nurse na ito sa Salford Royal Hospital Greater Manchester na nakilala bilang si Sette Burnaventura, 26 taong gulang.
Isang mapait na karanasan ang kanyang ibinahagi na sana ay isang bangungot lamang, pero ito ay panghabambuhay na na katotohanan.
Inakala niyang ito ay pang karaniwang sakit lamang ang sakit na nararanasan sa kaniyang binti dahil noon pa man ay ginagampanan na niya ang kaniyang trabaho bilang isang medical worker na kung saan 24 oras na nakatayo at palakad lakad sa ospital sa loob ng 7 araw.
Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na unahin ang kaniyang sarili o ipatingin ang kaniyang binti pagkat ayon sa kaniya, inaalagaan naman din niya ang kaniyang sarili para makapag alaga din ng pasyente.
Hanggang sa dumating ang araw na dumanas siya ng napakasakit at sobrang hirap sa paglalakad kaya’t nagdesisyon siyang ikunsulta sa doctor.
Sumailalim sa test na tinatawag na MRI at doon napag alaman na siya ay mayroong “Sacroma” at ang bukol ay kasukat na ng isang golf ball.
Wala na umanong ibang solusyon maliban sa putulin ang kanyang binti, pero kahit ganun pa man naging positibo pa rin ito sa buhay, na hindi kailanman maging handlang ang pagkakaroon ng kakulangan sa parti ng katawan upang malatulong sa kapwa at magampanan ang trabahong sinumpaan.
Isa itong paalala mula sa kanya na wag indahin ang anumang sakit na naramdaman, agad na magpacheck up para mabigyan ng agarang lunas, ika nga “prevention is better than cure”.