Ayon nga sa kasabihan ng iba, daig ng madiskarte at masipag ang matalino, maraming mga matatalino kasi na walang diskarte sa buhay, nahihiya kasi matalino nga sila, subalit kadalasan na umaasenso naman ay yung taong may kakaibang diskarte sa buhay.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Kahit na wala kang tinapos na kurso kung may pagpupursigi ka sa buhay, makakamit mo talaga ang tagumpay. Katulad din ng kwento ng lalaking ito kung saan pinagtatawanan pa nga siya dahil sa kanyang ginawa na pamamaraan upang makapanghuli ng lamang dagat.
Ang kundol o ang winter melon ay kadalasang iniinom at kinakain dahil dito, inakala ng ilan na siya isa lamang batang naglalaro ng kaniyang imahinasyon. Ngunit pinatunayan niyang may silbi ang kaniyang imbensyon.
Una muna ay ginawa niya ang lambat na gawa sa kundol.
-Hinati nya ang winter melon sa magkabilang gilid nito.
-Nag ukit sya ng tatlong hugis bilog sa katawan ng winter melon.
-Nilagyan nya ng colander or hugis embudong net sa tatlong butas.
-Tinalian nya ang gilid ng colander gamit ang alambre upang hindi ito mahulog.
-Tinusukan nya ng bamboo stick ang magkabilang gilid ng winter melon upang hindi makalabas ang mahuhuli nyang lamang dagat/ ilog.
Iniwan niya munang saglit ang imbensyon sa ilog. Maya- maya ay binalikan ito. Higit pa sa kaniyang inaakala ang kaniyang nahuli dahil puno ito ng mga talangka at lobster o crayfish.
Dahil dito, ito na ang kaniyang naging hanap- buhay. Kumikita siya ng malaki sa loob lamang ng isang araw. Ang dating pinagtatawanan, ngayon ay mayroon nang pinagkakakitaan.
Kahit pa man na pinagtawanan siya ng iba, ninais pa din niyang ibahagi ang kanyang imbensyon sa iba niyang kabaryo upang maging kanila ding hanapbuhay. Kaya isang malaking inspirasyon din sya, sa kabila ng mga pangungutya, pinakita niyang may mararating siya buhay.