Ayon nga sa kasabihan,” Ignorance of the law, excuses no one”. Kaya hindi pwedeng sabihin mong nalabag mo ang batas dahil sa hindi mo ito alam. Ito ang kadalasang naging dahilan ng mga taong nahuhuling may ginawang paglabag sa batas.
YOU MAY ALSO READ:
Isang halimbawa pa nito ay ang isang vendor na nakilala kay Tatay Ruel, na impound ang kanyang motor na ginagamit niya sa paghahanapbuhay ng ito ay nakitaan ng paglabag sa batas, nagmamaneho ng walang lisensya at iba pang kaukulang mga paglabag kaya nauwi sa pagka impound ng kanyang motorsiklo. Nadamay pa pati mga dala niyang paninda na nanduon rin sa Sibulan Police Station.
Aminado si tatay Ruel na may ginawa siyang paglabag sa batas, ang pagmamaneho na walang lisensya ngunit pagdadahilan niya ay kaya niya nagawa ito dahil wala rin daw siyang sapat na pera para kumuha ng lisensya at siya lang naman ang naghahanapbuhay sa kanilang pamilya. Ayon pa kay Tatay, ay kapapanganak lang din ng kanyang misis kaya hindi niya naasikaso ang pagkuha ng lisensya. Hindi naman nagmatigas si tatay ngunit napaluha na lamang ito sa kanyang sinapit.
Ngunit ng malaman ng ilang mga netizens ang sinapit ni Tatay Ruel, ay nagbigay sila ng tulong at binili ang lahat ng kanyang panindang tinapay hanggang sa maubos itong lahat.
Subalit ang nalikom na pera ay hindi pa rin daw sapat upang matubos niya ang kanyang motorsiklo na siyang kanyang naging katulong sa paghahanapbuhay, dagdagan pa ang bayarin niya sa mga penalties at pagproseso ng kanyang lisensya.
Mukhang dininig naman ang hiling ni tatay, nagviral ang kanyang larawan at mas marami ang nagbigay ng tulong sa kanya, isa na rito ang Rider’s Association ng Mindanao na aakuin di umano ang pagpaparehistro sa kanyang motorsiklo at iba pang mga papeles na kakailanganin upang makabalik na sa hanapbuhay na legal si tatay.
Sadya ngang may mga taong may busilak na puso na handang magbigay ng tulong sa hindi nila kakilala, ngunit ang sitwasyong ito ay umani rin ng mga negatibong komento ukol sa ginawang paglabag ni Tatay. Subalit ayon nga sa isang komento “Sometimes we don’t need to apply the law, sometimes we need to apply humanity”. Ano kaya ang opinyon nyu tungkol dito?