Pulis, Humiling na Dasalan ng Isang Pastorang Napadaan sa Checkpoint.

-Isang Pastora kasama ang kanyang anak ay hinarang ng Pulis sa isang checkpoint dahil hindi raw sila nagpapapasok ng hindi taga roon.

-Mabilis naman ang pag trending ng larawan ng isang Pulis na nagpadasal sa isang Pastora.

-Nagbigay naman ng pahayag ang isang Pastora na siya ay nagsasabi ng totoo, kaya pinatabi ang kanilang sasakyan.

-Doon ay humiling ang isang pulis na dasalan ito para sa ikabubuti hindi lamang ng kanyang sarili, kundi ng bawat isa.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Sa panahon ngayon na halos lahat ay nawawalan na ng pag-asa, tanging pananalig lamang sa maykapal ang naging sandata ng bawat tao. Sa dasal na lamang dinadaan upang mailabas ang kanilang mga hinaing at umaasang ito ay dinggin.

Naging laman ng social media ang isang litrato ng pulis na humingi ng padasal sa napadaang pastora sa isinagawang checkpoint.

Ang naturang larawan ay napag-alamang ipinost ng isang netizen na kinilala kay Ianne Venture patungkol sa naging karanasan nilang mag-ina.

Kwento ni Ianne, naharang umano sila ng kanyang ina sa Marquee exit kung saan may bantay na pulis. Hindi raw kasi roon nagpapapasok ng hindi residente ngunit nagpaliwanag ang ina ni Ianne na sa Marquee lang sila. Hindi rin daw niya maggawang magsinungaling gayung isa siyang pastora. Nang malaman ito ng frontliner na pulis, ipinatabi ang sasakyan at maayos namang sumunod ang mag-ina. Muling lumapit ang pulis at sinabing “Pastora papray naman po,” at agad silang nagdasal.

Kwento pa ni Ianne, hindi lamang daw pansarili ang dasal na hiniling ng pulis. Labis na naantig ang puso ng mga netizens sa pangyayaring ito na nagpapakita lamang na sayang kahanga-hanga ang katapangang ipinakikita ng mga frontliners sa araw- araw. Ngunit, aminado silang minsan ay pinanghihinaaan na rin sila ng loob lalo pa at tila tumatagal ang pandemya at tumatagal na rin ang pagkakataong ibinubuwis nila ang kanilang buhay para lang sa kaligtasan ng iba. At tulad ng ina ni Ianne, may ilan tayong mga kababayan na marunong na magpahalaga at magpasalamat sa munting paraang kaya nila sa mga frontliners natin sa labang ito kontra C0VID-19.

 

Loading...