‘Proud retokada here!’: Angeline Quinto, Matapang na Inisa-isa ang Ipina Retoke sa Katawan

Talaga ngang napapahanga tayo sa taglay na angking kagandahan ng mga artista, lalo na kapag magaling silang sumayaw at maganda pa ang boses. May mga artistang parang animoy sinalo lahat ng talento at kagandahan sa mundo. Pero may mga iilan namang aminado at hindi ikinahihiya ang pagpaparetoke sa mukha. Isa na rito ang sikat na singer na si Angeline Quinto.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Matapang na ibinahagi ni Angeline Quinto sa social media ang kanyang pagiging isang retokada.

Makikita sa Instagram post ng Kapamilya singer ang listahan ng kanya umanong ipinaayos nang maging bahagi ng showbiz industry.

Inisa-isa nito ang mga binago sa kanyang katawan maliban umano sa ilong na bagama’t kanya raw pinakonsulta ay hindi niya itinuloy.

“Glutathione injection, bihira po dahil mas maputi po talaga aq nung kabataan q,” sabi ng singer.

“Proud retokada here ❤️ Mabuhay po taung lahat? I love you and Thank you very much Mommy @victoria_belo @belobeauty ? #StopTheHateJustLove,” dagdag niya.

Sa isang nakahiwalay na post, ipinaliwanag ni Angeline kung bakit hindi kailangang ikahiya ang pagiging retokada.

Aniya, “Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.”

Kahit kailan ay hindi raw niya ito ikinahiya at itinago dahil parte naman daw ito ng kanilang trabaho.

“Kaya nga ho may Dra. Vicky Belo. Ikaw naman ang magttrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad,” giit ng singer.

Biro niya sa huli, “Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho. ???? #RetokePaMore ?.”

Marami naman ang humanga sa aktres na nagbigay ng komento sa kanyang posts.

 

Loading...