Naging mas patok sa ngayon ang mga online shop dahil sa hassle free at makapili ka pa ng mga murang bilihin na mayroon ding mga kalidad dependi sa iyong paghahanap.
YOU MAY ALSO READ:
Lalo pa sa panahon ngayon na lubhang di maganda ang paglabas-labas sa bahay at pumunta sa mga mataong lugar dulot ng pandemya. Kadalasan naman ng mga inoorder natin online ay mga kagamitan sa bahay, mga damit, minsan pa nga ay mga pagkain nating mga paborito.
Subalit talagang may mga taong matatalino na ginagamit naman sa hindi mabuting pamamaraan, halos lahat nalang na pwede nilang pagkakitaan ay gagawin kahit na ito ay labag sa batas. Kaya palaging nagbibigay ng babala ang mga autoridad na mag-ingat sa mga ka transakyon online.
Kaugnay nito, isang netizen ang kamakailan lang ay nagbahagi ng kaniyang hindi kaaya-ayang karanasan matapos niyang bumili sa online shop.
Pagbabahagi ni si Jay-Anne Kristi Mauricio Pame sa kaniyang Facebook Account kung paano ito nadismaya matapos makita na iba ang laman ng karton na nai-deliver sa kaniya.
Kwento nito, nag-order siya noon sa isang online app ng baterya subalit ang naipadala sakaniya hindi ang tamang item na kaniyang binayaran!
Pinick-up raw ito ng kaniyang asawa at nagbayad sa delivery fee na nag kakahalaga ng Php, 1,800 pesos at nang kaniya itong buksan, dismayado si Kristi dahil imbes na baterya ang laman ng karton ay bato ang laman nito!
“Tinawagan ko iyong nag-deliver, sinabi ko iyong laman ng package. Kinausap ko na balikan ‘yung husband ko at ibalik ‘yung pera kasi ‘yung laman ng package ay bato. Sabi ng delivery man, ‘Ma’am hindi ko na po maibalik ang pera kasi napadala ko na po sa palawan,” kwento ni Kristi sa kaniyang Facebook post.
Nakausap rin ni Kristi ang may-ari ng pinagbilhan niyang online store at sinabi nitong tama ang item na inilagay nila sa karton at maaring napalitan ito sa bodega ng Courier na siyang nagdeliver ng kaniyang order.
Mahaba ang naging proseso ng kanilang pag-uusap at humingi naman ng paumanhin ang may-ari ng store sa hindi magandang naranasan ni Kristi bilang kanilang customer.
Naibalik rin ang pera na kaniyang naibayad ngunit nabawasan na ang gana niya sa pamimili online. Binalaan niya rin ang kapwa niya netizens na maging doble ingat sa mga transaksiyon na gagawin online lalo na at mayroon itong kasamang pera.
Kaya naman maging babala sana ito sa mga mahilig bumili sa online store na tignan muna ng mabuti at i-check ng tama ang pinagbibilhan bago makipag-transact at iabot ang pera upang sa gayon ay hindi kayo maloko.
Talamak sa ngayon ang mga scammer na nag-aabang lamang ng ma bibiktima, kaya mas mabuting mag transact sa mga legit na bilihan online.