Misteryosong Babae,Nag-abot ng Tunay na Pera, Ngunit biglang naging Dahon Pag-Uwi ng Drayber.

Sa ngayong modernong panahon, may mga naniniwala pa kaya sa mga misteryosong pangyayari sa ating paligid? Mayroon ba kayong mga nasaksihan na hindi kapani-paniwala? Tunghayan nyo po ang isang nakakakilabot na kwento na biglang nag trending sa social media.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Isang pasahero umano ang nagbayad ng pera bilang pamasahe sa isang grab drayber, ngunit sa kanyang pagbaba napansin ng driver na ang laman ng kanyang wallet kung saan nilagay ang bayad ng pasahero ay naging purong dahon.

Ayon sa salaysay, nung mga gabing yun hindi inaasahan ng isang Grab Driver sa Malaysia ang nangyari sa kanya. May sumakay daw na isang babae sa kanya at pumwesto ito sa backseat ng sasakyan. Hindi pakiwari ay napansin ng driver na tawa ng tawa ang babaeng sakay nya.

Mula pagkasakay at habang nag babyahe ay walang tigil ang kanyang pagtawa kahit wala namang dapat tawanan at wala din naman syang napansin na may kausap ang babae sa kanyang cellphone. Doon na kinabahan at kinutuban na ang driver ngunit itinuloy nya ang pagmamaneho basta walang ginagawang masama sa kanya ang babae.

Nang makababa ang babae ay nagbayad ito sa kanya ng $2. Kinuha naman ng driver ang bayad at inilagay ang mga ito sa kanyang wallet.

Nang pagkauwi ng drayber ay nakita nya ang kanyang wallet na kulang ang kanyang kinita at nakita lamang ang 8 pirasong dahon. Kung makikita ninyo ang larawan ng mga dahon ay talaga namang nakakakilabot ang pangyayaring ito.

Sabi ng mga netizen ay biktima ang grab driver ng isang tinatawag na hypnosis. Baka daw may angking kapangyarihan ang babae na magbato ng mga spells para maging dahon ang mga pera. Magic mang ituturing ay isa itong halimbawa ng modus o budol budol.

Kaya isa rin itong paalala sa ating mga masisipag na driver na mag doble ingat at maging alisto sa ganitong mga pangyayari. Palaging manalangin at ingatan nawa palagi ng Maykapal.

Magbaon sana kayo lagi ng katapangan at dasal araw-araw sapagkat ito lamang ang pinakamalakas na sandata na maaari ninyong ipanglaban sa mga masasamang tao o nilalang na pwede ninyong masalamuha.

Loading...