Marami ang mga nababagot sa kani-kanilang tahanan dulot ng quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng v1rus sa bansa. Hindi nila magagawa ang magliwaliw at shopping sa mga mall kung kaya’t naging uso ang pagtatanim ng mga halaman, minsan bina barter pa ito sa ibang lugar upang makadagdag tulong sa pagbubudget sa panahon ng pandemya.
YOU MAY ALSO READ:
Tinaguriang mga plantitos/plantitas ang mga taong mahihilig sa tanim. Iba’t ibang uri ng mga nagagandahang halaman ang kanilang kino-kolek at minsan ay binibenta pa sa mahal na halaga.
Subalit, dapat maging maingat sa pangongolek ng mga halaman, dahil ang iba sa mga ito ay lubhang hindi safe at mapangan1b sa kalusugan. Isang netizen ang nabigay babala patungkol sa isang halaman na nakakalason. Matapos kagatin ng isang bata ang dahon ng halaman.
Sa Facebook post ni Dennis Vera Catugas, binalaan na niya ang mga netizen na huwag na itanim ang nasabing halaman dahil nakakalason.
Narito ang buong detalye ng kwneto ni Dennis Vera Catugas:
“BABALA AT PAKIKALAT”
“Beware…. Lalo na sa mga bata base on our own exprienced kanina lang 9:00 am. konti na kami na ospital. may batang malikot sa bahay, si bebe CJ pumitas ng dahon sabay kinagat nya, after 2 seconds nag iiyak sya ng sobra. naisip namin baka mapait kaya umiyak ang bata. pero di sya tumgil, grabe iyak kahit ano gawin out of curiousity, para malaman ko din dahilan bat sobra iyak nya, kumagat din ako ng konting konti lang, parang asido yung nasa bibig ko na kumalat sa lalamunan ko na kahit ako na matanda di kaya ang naramdaman. di ko ma explain ang nararamdaman ko nung time na yun. ang malinaw lang sakin ay para akong nakalunok ng asido. considering na isang kagat lang ginawa ko at halos sa ngipin ko lang pumunta yung katas nya. how much more yung bata na andaming nakagat, ginawa agad namin pinainum namin sya ng gatas at pinakain ng asukal. ganyan na din ang ginawa ko kase di na ako makalunok. in short, lason sya!”
“KAYA MAG-INGAT SA HALAMAN NA ITO! NAKAKALASON SIYA! PLS. SHARE! Wag mag tanim nito pls warning”.