Lolo, Nagsusumikap Magbenta ng Lugaw Para may Makain,Ngunit Madalas Wala raw Bumibili sa Kanya.

Kung akalain mong sa sitwasyon mo ngayon ay marami kang problema at sukong suko na sa buhay, alalahanin mong mas marami pang tao ang nasa mas malubhang kalagayan pero ni minsan ay hindi inisip na sukuan ang hamon ng buhay.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Napakaswerte mo kung sa sitwasyon mo ngayon ay makakain ka pa ng tatlong beses sa isang araw, may malinis na tulugan at may masisilungan bilang proteksyon sa init at ulan.

Makakaya mo kaya kung mangyayari sa buhay mo ang katulad sa nangyari sa matandang ito? Isang kwento mula sa isang netizen sa social media patungkol sa isang matandang lalaki na nag-iisa sa buhay at pilit na kumakayod upang mabuhay.

Isang nagngangalang Max Udomsak, concern netizen ang nagbahagi ng buhay ng isang matandang lalaki na may edad na 78 anyos, siya ay araw-araw na kumakayod sa pamamagitan ng pagtinda ng lugaw na kumikita lamang siya ng 34 pesos kada araw.

Napag-alamang nag iisa na lamang sa buhay si lolo dahil pumanaw na ang kanyang misis at dalawang anak. Wala namang may naibanggit na iba pang kamag-anak si lolo, kaya tanging siya na lamang ang bumubuhay sa kanya sa kabila ng kanyang katandaan. Kapag hindi siya kikilos ay walang sinumang bibigay sa kanya.

Nagbebenta siya ng lugaw sa halagang 34 pesos at 40 naman kapag may kasamang itlog subalit nakakaawa si lolo dahil madalang masyado ang mga bumibili sa kanya. Umaabot pa minsan sa 3 hanggang 4 na oras na wala siyang taga bili, minsan nga raw ay buong araw wala siyang naibenta.

Dahil sa kanyang maliit na kita, at walang kasiguraduhan kung mayroon nga ba sa bawat araw na maibenta, di na niya kinaya pang mag renta ng tirahan kaya mas minabuti niyang tumira sa isang luma at abandonadong bahay na nasunog noon. Nag iideya na lamang siya sa paglagay ng trapal at mga plastic tuwing umuulan upang hindi siya mabasa kapag matutulog.

Minsan raw ay hindi rin ito makaligo dahil nagagalit ang taong tagabantay sa paliguang malapit sa abandonadong bahay.

Alas tres ng madaling araw ay nagsisimula na si lolo sa pagtitinda hanggang pagsapit ng hating gabi.

Nang umagaw ito sa pansin ng isang netizen ay nakaramdam ito ng awa sa matanda, kaya ibinahagi niya ang istorya ng buhay ni lolo para makahingi ng kaunting tulong at mapuntahan si lolo ng marami ang makabili ng kanyang tinda. Masarap din daw ang luto ni lolo at mas mura na kumpara sa iba.

Marami naman ang nakabasa at nagbigay ng kanilang simpatya at suporta sa post ni Max, may mga sumubok na magpadala ng kanilang tulong para kay lolo.

Kaya napakaswerte po natin kung mayroon tayong hanapbuhay sa panahon ngayon. Imbes na magreklamo po tayo ay gawin nating positibo, magpasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang biyaya sa atin.

Loading...