Isang Magsasaka, Hindi Akalaing Makakahukay ng Misteryosong Kayamanan na nag Pabago sa Kanyang Buhay

Wala ng mas sasarap pa sa buhay kung tayo ay namumuhay ng payapa at marangal na walang inaapakang ibang tao. Hindi sukatan ang pagkakaroon ng diploma upang masabi na marangal ang iyong trabaho, dahil karamihan sa mga trabahong ito ay may malaking ambag sa ating lipunan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Tulad ng mga mangingisda, mga garbage collector, lalo na ang mga magsasaka. Kung mayroon tayong mga frontliner, sila naman ay mga backliner ng bansa na dapat bigyang pansin din at pugay.

Subalit ang kanilang trabaho bilang magsasaka ay hindi gaanong kalaki ang kita, gumigising ng maaga at minsan ay uuwi pa ng gabi, aminadong kulang pa din minsan upang mabigay ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya kahit sa panahon ngayon marami pa rin ang umaasa sa mga swerte na minsan ay nakukuha nila ng hindi intention, ito ay napupulot at minsan ay nahuhukay. Hindi malayong makita ito ng mga magsasaka.

Kung kaya’t may isang magsasaka di umano mula sa bansang Greece ang hindi lubos akalain na magbabago ang kaniyang buhay matapos makadiskubre ng isang bagay na pangkaraniwan.

Kinilala siyang si Giorgos Kentrotas. Katulad ng kaniyang nakasanayang trabaho, gigising siya ng maaga upang maghukay sa bukid.

Ayon sa Boredom Therapy, “When Giorgos Kentrotas thought of Greece, the Olympics, Spartans and relaxing getaways to Mykonos didn’t pop into his mind. This nineteenth- century farmer called the Mediterranean nation home”

Sa kanyang nakasanayang paggising tuwing umaga noong buwan ng Abril 8, umalis na ng bahay si Giorgos at patungo sa kanyang sakahan dala dala ang panghukay upang bungkalin ang lupa at mga malalaking bato. Subalit nagulat na lamang siya sa kanyang nahukay na kailan man ay hindi niya inisip na makakita nito.

Ang kaniyang natagpuan lang naman ay isang napakalaking marble na konektado sa Greek antiques.

Gusto pa sanang itago ni Giorgos ang kanyang nakita at tabunan ng putik, subalit napakabilis ng french sailors at nagbigay ng utos na bungkalin ito hanggang sa lumitaw ang buo nitong itsura, wala siyang magawa kundi ang sundin ito.

Habang patuloy siyang naghuhukay, unti- unti nang lumalabas ang kapirasong marble at nakita ng magsasaka at ng mga marino na ito pala ay isang hindi kilalang estatwa ng isang babae na nawawalan ng kamay.

Agad naman silang tumawag sa mga eksperto upang tingnan at usisain ang estatwa at iyon ang naging dahilan ng malaking pagbabago ng buhay ni Giorgos.

 

Loading...