Napakahirap ng sistema ng pag-aaral na kinakaharap ng ating mga kabataan sa ngayon dulot ito ng pandemya sa buong bansa. Isa sa mga nakikitang alternatibo ng DepEd ay ang pagsasagawa ng online classes at modular. Subalit maraming mga magulang ang nagrereklamo dahil walang sapat na mga gadget ang kanilang anak upang makibahagi sa online learning.
YOU MAY ALSO READ:
Kaya’t isang guro ang nagpahayag ng kanyang saloobin ukol sa bagong sistema ng pag-aaral. Ayon sa kanya” Karapatan ng bawat bata ang makapag-aral” namuo sa kanya ang pahayag na ito ng malaman ang sitwasyon ng isa sa kanyang mag-aaral na kinailangan pa umanong mag-arkila ng cellphone para lamang maka attend sa online class.
Ibinahagi ni Teacher Rejhon Soriano Modesto sa kanyang facebook account ang mensahe ng kanyang estudyante kung saan ay nagtatanong ito kung mayroon daw silang klase. Ayon kasi sa kanya gusto niyang malaman dahil wala siyang cellphone at nakiki-arkila lamang ito ng cellphone para may magamit.
Ayon pa kay Teacher Modesto, nagsasariling sikap ang estudyante niya upang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya bilang tulong sa kanyang mag-aaral ay humihingi ito ng kaunting tulong sa mga netizens na may busilak na puso na kung maaari ay makapagbigay ng mga hindi na nagamit at lumang cellphone o kaya ay mapahiram sa kanyang estudyante.
“Hindi po tamad ang estudyante ko, katunayan ay nagdideliver po siya ng tubig para mabuhay at makapag-aral, kung sakaling may smartphone kayo diyan na hindi na ginagamit o kahit yung sira na pero pwede pang ipaayos at magamit sa online class. Please,pm niyo ako”, saad ni Modesto.
Sobrang sakit para kay Teacher Modesto na malaman na ganito ang kondisyon ng iilan sa kanyang mga mag-aaral. Hindi rin naman kalakihan ang kanyang sahod kaya ito na lamang ang naisip niyang paraan upang matulungan ang kanyang estudyante.
Marami naman ang naging komento ng mga netizens patungkol sa bagong sistema ng pagbukas ng klase, ayon sa kanila ang sitwasyong ito ng isang mag-aaral ay isang malaking ebidensya na sana ay ipagpaliban na muna ang pagbubukas ng klase dahil maraming kabataan at magulang ang hindi pa handa at umaasang babalik na sa normal ang buhay ng tao bago magbukas muli.