Isang Driver Umani ng Papuri ng Nagsauli ng Bag na may Lamang P2 milyong Peso na Pag-aari ng isang Banyaga!

Aminin man natin o hindi, talagang bihira na lamang sa mga tao ngayon ang may taglay na katapatang ugali. Kahit pa nga mayayaman at nasa posisyon ay minsan hindi pa mapagkitaan ng mabuting kalooban. Kaya ang mga taong may ganitong ugali ay kahanga-hanga at isang mabuting ehemplo sa ating lipunan. Sila ang mga taong hindi nasisilaw sa halaga ng salapi, bagkus mas gusto pa nilang manggaling mismo ito sa kanilang pinagpawisan.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Isang kwento na nagmula sa Mayor ng Sogod, Southern Leyte, kanyang ibinahagi ang istorya ng isang Pilipinong motor cab driver na ito na talaga namang ikinahanga ng maraming netizens dahil sa ginawa niyang kabutihang loob.

Ang istorya ay unang ibinahagi sa social media at talaga namang marami ang napa-share at napa-like dito. Karamihan din sa mga netizens, sinabi na dapat ay maging isa siyang role model sa bawat Pilipino.

Kinilala ang mabuting driver na si Dennis Geverola. Siya ang nagsauli ng isang bag na naglalaman ng P2 milyong piso na naiwan sa kanyang motor cab na napag-alamang pagmamay-ari ng isang foreigner.

Sa social media account ng mayor ay masaya niyang ipinost ang ginawang pagsasauli ng lalaki.

Narito ang kanilang naging pahayag:

“On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to comment the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May God bless you!”

Nang malaman na ganito kalaki ang laman ng pera sa loob ng bag ay marami ang nagulat. Dahil hindi nagtangkang kunin o itago ng butihing cab driver ang ganoong kalaking pera. Sa halip ay isinurender niya ito sa mga kinauukulan upang ito ay maibalik sa tamang nagmamay-ari.

Narito naman ang ilang pahayag ng mga netizens:

“Sir saludo ako sayo. Mabibilang lang ang kagaya mo dito sa mundo. Karamihan dito ay magnanakaw at gahaman sa pera. God Bless You!

“Saludo po ako sayo sir sa kabutihan mo. Godbless po and more blessings!”

Kahit na ang kinikita ni Mr. Geverola ay nasa below minimum ay hindi ito natukso at kahanga-hanga ang ginawa niyang kabutihang loob para sa kanyang kapwa. Ang mga taong kagaya niya ay tunay na dapat na pinagpapala.

Isang patunay ito na mayroon pa ding mga tao na mas mahalaga ang reputasyon kaysa pera, ang pera ay makikita pa habang tayo ay nabubuhay, ngunit ang kahihiyan na makukuha natin sa paggawa ng hindi mabuti ay magtatatak sa isipan ng mga tao hanggat tayo ay mamamatay.

Loading...