Isang 62 Anyos na May stage 3 Cancer, Naglalagay ng Catheter para Maging Pasabuy Rider, upang matustusan ang gamutan.

Dahil sa kinakaharap nating pandemya marami talaga ang apektado ang pamumuhay at halos namamalimos na nga para may e pakain sa kanilang pamilya. Paano nalang kaya ang mga kababayan nating mahihirap at may mga sakit sa kanilang pamilya? O kaya ay ang mga buhay ng ating mga kababayang Senior Citizen.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Kaya itinampok sa isang programa ng GMA Public Affairs na Reporter’s Notebook ang sitwasyon ng isang lolong may cancer at naging isa pang pasabuy rider.

Ang pasabuy rider ay parang katulad rin ng mga nauuso ngayong mga grab at food panda rider. Ito ay ginagawa ni lolo sa gitna ng pandemya upang matustusan ang kanyang gamutan.

Ayon nga sa ulat:

Kabilang man sa tinatawag na “vulnerable sector” ngayong may pandemya, tuloy ang pagkayod sa labas ng 62 taong gulang na si Mang Charlie Asis bilang isang pasabuy rider.

May stage 3 prostate cancer si Mang Charlie, kaya minsan ay may suot siyang catheter habang nagdedeliver.

Kailangan niya raw ang trabaho para maitaguyod ang pamilya at matustusan ang kanyang gamutan.

Dahil hindi sanay sa paggamit ng mga delivery app, kailangan siyang i-chat, i-text o tawagan sa kanyang cellphone number para magpabili at magpadeliver.

Narito naman ang komento ng ating mga kababayan at sana napa abot ang tulong sa kanila.:

“Saludo ako sa mga ganitong tao, May nakakakilala ba kay tatay? Pasend naman sakin ang details at mag aabot ako ng tulong sa kanya.”

“Saludo wala akong masabe sa katulad kong kumpleto ang pisikal at healthy ang katawan daig nyo pa ako tatay saludo handa down po sainyo lahat ng pagsisikap nyo pasalamat parin sa ama na syang nagbibigay sa atin ng kalakasan Godbless sainyo tatay godbless”

“Ito talaga yung sinasabing pag gusto may paraan pag ayaw may dahilan. Pero si tatay, gusto dahil may dahilan. Kahit pa may sakit kumakayod para sa pamilya at sa sarili. Di gaya ng iba ang lalakas pero nagnanakaw. Buti pa si tatay lumalaban ng patas. SALUTE PO SAYO TATAY. Isa kang modelo na dapat tularan. Naway patuloy ka pong gabayan ng Panginoon at bigyan kalakasan. Ingat po lagi.. PAGPALAIN??
Para sa mga nais tumulong kay Mang Charlie, maaari siyang i-contact sa 09494710827.
Loading...