Nagbigay ngiti sa maraming netizens netizens ang karatulang handog ng isang jeepney driver para sa kanyang mga pasahero.
YOU MAY ALSO READ:
Matapos kasing magbalik ang operasyon ng ilang jeep noong Hunyo, mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng health and safety protocols para makaiwas sa bantang hatid ng C0VID-19. Isa sa mga paraan kasi na mas mabilis kumalat ang nasabing v1rus ay sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing, kung kaya’t hinihikayat ang lahat na magsuot ng face shield o face mask bilang proteksyon.
At bilang pagsunod sa mga paalala, naisip ng driver na si Alex Villareal na maglagay ng karatula na naghatid ng good vibes sa mga pasahero.
Sa kanyang Facebook post, makikita ang larawan ng karatula na may nakasulat na, “Pwedeng umutot. Bawal umubo.”
Aniya, “Para sa mga pasahero ko.”
Dahil sa nakakatawang paalala, umani ito ng 20K iba’t ibang reaksyon sa social media.
Nakatanggap din ito ng libo-libong komento mula sa netizens.
Umabot na rin sa 48K ang share nito online.