Dalaga, Ibinunyag na ang Pinagkatiwalaang “BFF” ay Pumatol sa kanyang Ama at Ngayon ay Stepmom niya na.

Umagaw ng atensyon sa social media ang isang post mula sa facebook ng isang KL Nebriaga kung saan makikita ang larawang kasama niya ang kanyang dating matalik na kaibigan na si Jeaneth na sa ngayon daw ay karelasyon na ng kanyang sariling ama.

YOU MAY ALSO READ:

Isang Mister Napaluha nang Makita sa CCTV ang Ginagawa ng Kanyang Asawa sa Kanilang Anak Tuwing Nasa Trabaho siya.

Batang Inabandona at Palaboy noon, Nagtapos ng Summa Cumlaude at Isang Ganap na Scientist sa Amerika.

Bride, Nagulat ng Sumulpot ang Dating GF ng kanyang Groom na naka Wedding Gown sa Mismong Araw ng Kasal.

Sing bilis ng c0vid ang pagkalat ng mga litrato sa social media mga ilang minuto palang nang ma-e upload ito.

Masisilayan sa mga larawan ang sayang nararamdaman ng magkaibigan na si Nebriaga kasama ang bestfriend nito habang sila ay nagbo-bonding. Tila masasabi mong sobrang lapit ng kanilang loob sa isa’t-isa.

Ngunit ang pagkakaibigan na ito ay humantong sa hindi magandang pagtatapos. Ito ay matapos malaman ni Nebriaga na ang kaniyang kaibigan ay mayroon palang “secret affair” sa kaniyang ama.

Sa nasabing post, isinalaysay ni Nebriaga ang kaniyang pagkadismaya dahil ang dati niyang matalik na kaibigan ay stepmom na niya ngayon. Binunyag din niya na si Salis ay buntis na matapos itong mabuntis ng kaniyang ama.

Maliban pa diyan, ang screenshot kung saan nagkaroon ng mainit na sagutan sina Nebriaga at Jeaneth ay nag-viral din online.

Basahin sa ibaba ang kabuuang post:

“bestfriend ko noon, step mom ko na ngayon. magkakaroon pa ko ng kapatid sayo ah guys, siya pa matapang!”

Ang post na ngayon ay burado na ay umabot din sa mahigit na 81,000 reactions at 77,000 shares.

Ang pagkakaroon ng matalik na kaibigan ay parang dagdag na din sa iyong pamilya. Ang iyong kaibigan ay parang kapatid na din sa iyo. Sila ang palagi mong kasama sa lahat ng bagay at sila din ang taong matatakbuhan mo sa tuwing ikaw ay mayroong problema.

Minsan, sobra pa sa sariling kapatid ang turing natin sa kanila, buo ang tiwalang ating binibigay sa kanila at hindi tayo naghahangad ng anumang kapalit sa mga ginagawa natin sa kanila, subalit katulad rin ng iba, tao lamang sila at nagkakamali rin kaya napakahirap dahil ang tinuturing matalik nating kaibigan ay minsan sila pa yung naging kaaway natin.

 

Loading...