Marami na ang umaasang maaprubahan ang divorce sa Pilipinas upang mabigyang laya na daw ang mga mag-asawang wala ng tsansa pang magkabalikan. Ang mga iilan sa kadahilanan ng lubusang paghihiwalay ay ang pagiging abusado ng mga lalaki sa kanilang asawa. Kaya’t marami ang naniniwala na hanggat maaga pa ay umalis na sa isang taling kailanman ay hindi ka liligaya.
YOU MAY ALSO READ:
Annulment ang kasalukuyang paraan lamang sa bansa upang makapaghiwalay ng legal ang dalawang taong ikinasal at batay sa masusing pag-aaral kung ano nga ba ang valid na grounds na kanilang ipapasa. Maliban sa napakahabang proseso ng annulment, malaking gastos din daw ito at kailangang paglaanan ng sapat na pera. Kung kaya’t sinabi nga nila na mayayaman lamang ang may kaya nito at mamuhay ng lehitimo dahil sa kamahalan ng proseso.
Kaya isang magandang balita ang iminungkahi mula sa vatican.Mayroon daw na hinaing proseso upang mapabilis ang annulment process sa pamamagitan ng pagpapagaan ng proseso at pag-alis ng mga bayarin. Si Aling Marissa ay hiwalay sa kaniyang asawa 23 taon na ang nakakalipas. Ngunit ang kaniyang nakaraang kasal ay hindi pa annul kahit siya ay may karelasyon ng iba.
Sinabi na niya na kailangan niya pang gumastos ng napakalaking pera bukod sa mahabang proseso. Siya din ay walang planong magsampa ng annulment dahil sa mga rason na iyon.
Ngunit inamin ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ang mga mag-asawa ay kailangan pang maghintay ng ilang taon bago ipawalang-bisa ng simbahan ang kanilang kasal dahil sa kanilang masusing pagsusuri sa bawat kaso.
Ang kaso ay kailangan ng pag-apruba ng dalawang tribunals o korte. Minsan, ang kaso ay umaabot sa Vatican.
Ipinahayag ni Pope Francis sa isang sulat ang ilang mga pagbabago sa proseso ng annulment ng sinabahan noong nakaraang Nobyembre 24.
Ang proseso ay hindi na kailangang pumunta sa dalawang korte bukod sa mga waived fees. Bibigyan din ang mga obispo ng awtoridad upang mapabilis ang isang desisyon, lalo na sa mga espesyal na kaso.
Tintanggap ni Archbisop Cruz ang ilang pagbabago, lalo na mula nang ang mga mag-asawa na hindi pa annul ay nabubuhay sa kasalanan sa pamamagitan ng pakikipag relasyon sa iba, sa kabila ng ligal na paghihiwalay.
Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa isang pahayag na sa kabila ng pagbabagong ito, ito pa din ay, “the teaching about the indissolubility and unity of marriage remains. The doctrine about the sacredness of marriage and family life is unchanged. The declaration of nullity of marriage is not div0rce.”