Ang kalusugan ay kayamanan! . Kaya dapat natin itong ingatan, walang silbi ang dami ng perang naipon kung hindi rin nito kayang dugtungan ang buhay ng tao. Kaya sa abot ng ating makakaya dapat nating pangalagaan ang ating katawan.
YOU MAY ALSO READ:
Isa sa mga rekomendasyon ng mga health expert, para maging malusog at malayo sa sakit ang katawan natin, palaging kumain ng mga masustansyang pagkain, katulad ng mga preskang gulay, gatas at karne. Laging sundin ang mga payo ng doktor ukol sa mga diet na nararapat sa edad at katawan ng tao.
Kaya isa sa mga napag-alamang gulay na masustansya ay ang petchay o tinatawag ding “bok choy” sa ibang bansa na isa sa mga pinakamasustansyang berdeng gulay. Sa ibang bansa ng Asya, ito ay naitala na isang halamang gamot na ginagamit ng mga taga China.
Ginagamit ng mga ancient Chinese healers ang petchay para sa mga sak!t gaya ng lagnat, ubo, at paso. Malamang bukod sa mga karamdamang nagagamot nito ay may mga natatago pa itong medikal na benepisyo. Narito at alamin ninyo!
1. Pampatibay ng buto
Ito ay naglalaman ng bitamina K at calcium na importante sa pagpapanatiling matibay ang mga buto at ngipin. Ang kombinasyon ng dalawang ito ay nakakapagpatatag sa bone matrix at nababalanse sa uric acid level ng katawan.
2. Para sa kalusugan ng puso
Ang petchay ay isang berdeng gulay na may sapat na amount ng fiber kasama ang ibang mineral tulay ng phosphorus at magnesium. Kaya naman ito ay nagbibigay ng powerful heart protection sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng mga arteries, paglalabas ng bad cholesterol, at pagpapaganda sa takbo ng ating puso.
3. Pangmaintain sa normal na presyon
Ang magnesium na taglay ng gulay na ito ay may pampakalmang epekto sa ating mga nerves at nakakapagpaayos sa magandang daloy ng dug0. Ito rin ay hindi nagtataglay ng sodium kaya talagang benepisyal para sa puso.
4. Panlaban sa anemia
Ang anemia ay dulot ng kakulangan sa iron ng katawan. Ang sak!t na ito ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa kalusugan kapag pinabayaan. Upang maiwasan ito, marapat na isama sa pagkain ang petchay dahil nakakapagbigay ito ng iron sa katawan.
5. Para sa kalusugan ng mata
Pinopromote ng petchay ang pangkalahatang kalusugan ng paningin. Ang beta carotene na taglay nito ay nakakapagbigay ng proteksyon sa mata laban sa katarata at glaucoma. Pinapababa rin nito ang tiyansang magkaroon ng macular degeneration na maaaring mauwi sa pagkabulag kung hindi inagapan.