Hinangaan ang isang 25 anyos na call center agent dahil sa kanyang naipundar mula sa kanyang trabaho sa loob lamang ng apat na taon. Ang pagiging call center agent ay isa sa marangal na trabaho ng karamihan sa ating mga kababayan sa ngayon. May tamang sahod at kung pag-igihan ay pwedeng lalaki pa dependi sa iyong dedikasyon sa patatrabaho, subalit isa sa mga naging kalaban ng mga ahenteng ito ay ang pagod at puyat sa tinatawag na night shift.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Subalit kapag ikaw ay may pangarap, tiyak na pag-igihan mo at handang magsakripisyo para makamit ito.
Kinilalang si Sam Blanca ang call center agent na sa murang edad ay may sariling bahay na. Noong siya pala ay nasa 22 anyos, pinangarap na niya na magkaroon ng sariling tirahan.
“Just wanna share my experiences kung ano ang naipundar ‘ko for 4 years working in this industry. Mabuhay mga bayaning puyat!” pahayag ni Sam.
Bagaman at nagpalipat-lipat siya ng mga kompanya, nagbunga pa rin naman ng maganda ang kanyang mga sakripisyo. Umabot siya sa limang kompanya at aminado siyang lahat naman ng mga pinasukan niyang ito ay nakatulong sa pagpapayabong ng kanyang pagkatao. At dahil sa loob ng apat na taon ay nakaapat na kompanya na siya, ipinangako raw niya sa kanyang sarili na iyon na ang huling kompanyang kanyang pagsisilbihan.
“Omega means end. Pinangako ko sa sarili ko na ito na ang huling kumpanyang papasukan ko sa industriyang ito,” aniya. Makikita sa larawan ang kanyang ngiti na mababakas ang kasiyahang nakamit dahil sa mabilis na panahon, mayroon na siyang naipundar at masasabi niyang sa kanya. Sa lahat ng kanyang pinagdaanan, wala raw talagang madali sa mga iyon. Marami rin siyang pinagdaaanang pagsubok ngunit wala naman daw rason para bumitaw.
Masasabing maswerte si Sam dahil bukod sa maaga niyang pagkamit ng isa sa kanyang mga pinapangarap, hindi na niya kinakailangang mangibang-bansa para lamang makamit ito.
Ang ilan, tulad ni Sam ay maaga ring nakikita ang bunga ng kanilang pagsusumikap na siyang alay nila sa kanilang pamilya. Ang sarap pagmasdan ang mga ngiti na mula sa iyong pamilya lalo na sa iyong magulang kung sila ay inyong alayan ng mga bagay na galing naman sa inyong pinagsikapan.