Dahil sa kinakaharap na pandemya ng buong mundo na dala ng coronav1rus, naging trending ang isang litrato na kuha ng netizens sa Cavite.
YOU MAY ALSO READ:
Marami ang namangha ng kanilang masilayan ang isang magandang tanawin sa kalangitan ng Brgy Asis II sa bayan ng Mendez, Cavite bago sumapit ang hatinggabi ng Agosto 6.

Photo Courtesy to: John Carlo Bagas Avelida
Ito ay pinost ng netizen na si John Carlo Avelida sa kanyang social media account, mga larawan ng maliwanag at makulay na ulap kung saan inulan ng magaganda at papuring komento sa kanyang post.
Sa isang ulat, sinabi ni Prof. Edmund Rosales ng Philippine Astronomical Society, na lunar o moon corona ang tawag sa naturang phenomena. Madalas aniya itong nagaganap kapag may nakikitang maninipis na layer ng altostratus clouds na may taglay na water droplets.
Tuwing nagkakaroon ng diffraction o pag-bend ng ilaw ay nabubuo ang samu’t-saring wavelength at kulay sa paligid ng ulap.
Bagama’t bihirang mangyari, lumalabas daw ito pagkatapos ng matinding pag-ulan lalo na kung may maiwan pang droplets sa atmosphere.